top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Squash nat’l athlete, nakapag-ensayo na

  • Gerard Arce
  • Jun 14, 2020
  • 2 min read

Muling nakapagsanay ang ilang miyembro ng National Squash team sa isang pribadong glass court facility sa Muntinlupa, kasunod ng ilang buwang lockdown sa National Capital Region at umiiral na mahigpit na protocols para sa mga ‘close contact’ sports.

Hindi man kasama sa mga pinapayagang sports ang larong Squash ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at Department of Health (DOH) sa panahon ng General Community Quarantine (GCQ); maingat naman umano at sumusunod ang mga ito sa panuntunan na inilabas ng pamahalaan sa mga hakbang upang maiwasan ang paglaganap ng nakakahawang sakit na coronavirus (Covid-19).

“It is inside a residential area and we are strictly following preventive measures and protocols,” pahayag ni Philippine Squash Association (PSA) president Robert Bachmann sa panayam ng BULGAR sa online interview. “The rest of the team is itching to play but we can’t do that right now until there is no approval from the task force,” dagdag ni Bachmann, na inamin ding kasama siya sa mga nakilaro sa iilang miyembro ng pambansang koponan, kabilang sina 2019 Southeast Asian Games mixed team gold medalist Jemyca Aribado at Robert Garcia, gayundin si national juniors promising Jonathan Reyes sa pag-aaring pasilidad ng Japanese colleague nilang si Mr. Motomu Katsumata.

Tanging mga outdoor non-contact sports gaya ng walking, jogging, running, biking, golf, swimming, tennis, badminton, equestrian at skateboarding ang pinapayagan pa lamang na magsagawa ng ensayo, ngunit may karampatang mga pag-iingat na papasa sa public health standards ng gobyerno tulad ng pagsusuot ng masks, social distancing at hindi paghihiraman ng mga kagamitan.

Ilang mga sports ang humiling na sa task force na payagan silang makapagpatuloy ng pagsasanay na kinabibilangan ng bastketball, football, volleyball, track and field, karate, rugby at gymnastics, kasunod ng pagsumite ng mga ito ng papeles sa naturang ahensya.

Naiintindihan ni Bachmann ang kalagayan ng sports sa bansa lalo na’t marami ang mga paghihigpit na nagaganap, kung kaya’t naniniwala ito na sakaling magampanan ng maayos at masunod ang mga hinihinging protocols at pamantayan ng pamahalaan ay maaaring payagan ng makapagsanay muli ang mga laro.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page