top of page

Mga sinaunang paraan para maibsan ang lungkot

  • Nympha
  • Jun 13, 2020
  • 2 min read

Naniniwala ba kayo na pinakamasayahin na tao sa buong mundo ay ang mga ninunong Asyano at numero-uno na roon ang mga Pinoy?

Ngayong may pandemya, limitado ang ating galaw, walang gaanong lakwatsa, walang liwaliw sa mga beach resorts, walang mass gatherings na pinahihintulutan para magkasama-sama nang masaya. Kahit sa mga bahay-dalanginan na masayang idinaraos ng mga mananampalataya ang sabay-sabay na pananalangin sa Diyos ay limitado rin.

Balik tayo sa usapin ng lahing pinakamalabong dapuan ng depresyon sa planetang ito. Ano nga ba ang sikreto ng lahing Asyano? “Komo itinuturing na 3rd world country lalo na ang ‘Pinas marami pa ring makalumang ugali ang umiiral,”paliwanag ni Stephan Bodian, isang therapist sa San Francisco psychotherapist at may akda ng Meditation for Dummies. Narito ang tips sa mga dayuhang gustong maging ugaling Pinoy:

  1. ANG PAMPAKALMA NG KALOOBAN. Ang klase ng kasiyahan habang may dinner date, panonood ng comedy show at pagbili ng bagong gadgets o sapatos ay parang ganyan din ang nararamdaman, pero sa natural na pamamaraan ng Asyano. Taglay kasi nila ang “inner balance” mula sa mga meditative activity tulad ng pag-akyat sa bundok, paliligo sa ilog o dagat o kaya naman ay pagyo-yoga at tai-chi, ani Hai Gwo, propesor ng psychiatry sa National Taiwan University. Mahalaga sa Asyano ang deep breathing at stretching exercise sa loob ng 15 minuto sa isang araw.

  2. TIWALA SA PAGLAKBAY KASAMA NG MGA ESPIRITU NG MAHAL SA BUHAY. Moderno na ang paraan ng pakikipag-ugnayan sa yumaong loved-ones. Nagpapalipad lang ng lobo na may mensahe sa isang mataas na lugar ay sapat na para gumaan ang loob. ‘Yung iba ay gumagamit ng ‘ghost money’, ang red at yellow na pahina ng papel na may nakaukit na espesyal na mensahe para sa yumao. Para madama pa rin ang koneksiyon ng isipan at katawan ng nagkalayong mahal sa buhay, ipe-frame ang lumang larawan sa isang lugar na madaling mapapansin. Lutuin ang pinakamasarap na pamanang recipe ng mama o lola o isusuot ang kuwintas ni Tita Charo, mungkahi ni Hollander.

  3. CLOSE-FAMILY TIES ANG NAGPAPATIBAY. Pinapalibutan kasi tayo ng napakaraming miyembro ng ating pamilya at aktibo nang sabay-sabay sa mga gawaing komunidad. Ang dahilan, para mas madama nila ang presensiya ng pagiging kanilang pamilya at “nagbibigay ito ng kahulugan at inspirasyon sa kanilang buhay,” ayon sa pag-aaral. Habang mas maraming kaibigan at pamilya ang Asyano, higit silang nagiging aktibo sa kanilang mga gawain at tiyak na nakakadagdag ito ng kasiyahan.

  4. LAGING BUSY IMBES NA NAGMUMUKMOK. Ang Pinoy, kapag biglang nalungkot, hindi basta nagpapaalipin sa damdamin dahil ito ay nalalabanan. Kapag nadarama na nila ‘yan, ito ang senyales nila para kumilos. Kapag nawawalan ng trabaho si mister, ang buong pamilya ay tutulong at gagawa ng paraan para kumita at sabay-sabay silang kikilos. Sa halip na magmukmok sa problema, magtutulungan silang umahon sa kalungkutan.

  5. GUMAGAWA HABANG NANGANGARAP. Habang pilit na inaabot ng Asyano ang pangarap, may dahilan ang lahat ng ito at reyalistiko sila na alam nilang ‘di nila kontrolado ang lahat nilang gusto. Habang mahalaga na lumaban at maghangad ng pinakamabuti, isang malaking pagkakamali na parusahan ang sarili kapag nabigo sa pangarap.

Ano nga ba ang nagagawa ng nangangarap sa kanyang pagkatao? Sa halip na pagmuni-munihin ang pagkakaroon ng malaking bahay, mas pinipili nilang maghangad ng bagay na sapat lang sa kanilang pangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page