GM Laylo, nagkampeon sa Online Blitz Chess
- ATD
- Jun 12, 2020
- 1 min read

Nagkampeon si GM Darwin Laylo matapos makipaghatian ng puntos kay GM Rogelio "Joey" Antonio sa final round ng winner-take-all match online blitz chess tournament na isinagawa sa lichess.org.
Nagkaroon ng repetition of moves at natapos sa 15-13 ang score pabor kay Laylo.
Naging mahigpitan ang laban at natapos ng 4 na oras at kahalati.
"Napakaganda ng laban at humabol pa si GM Joey (Antonio) pero kailangan lamang ng tabla ni GM Darwin (Laylo) para manalo sa match," saad ng host.
"Tabla na lang kailangan ko, nakakita ako ng pagkakataon kaya tinabla ko na," ani Laylo, isa sa top players ng multitled Philippine Army Chess Team.
Ayon naman kay Europe gaming consultant /sportsman Kim Zafra na nag-sponsor ng nasabing event ay may inihahanda pang chess match sa taong ito.
"By September or December," aniya.
Kabilang sa posibleng makakalaban ni Laylo ay sina Asia's First GM Eugene Torre, GM Mark Paragua at Antonio.





Comments