top of page

Lemon water, epektib na panlaban sa bad breath at pampaganda ng balat

  • Justine Daguno
  • Jun 11, 2020
  • 2 min read

Naghahanap ka ba ng “easy trick” o simpleng paraan upang ma-improve ang iyong lifestyle at overall health? ‘Yung tipong bet mo pumayat, gumanda ang iyong skin, lumakas ang resistensiya at iba pa, pero hassle dahil maraming kailangang gawin?

Good news dahil “lemon juice” lang ang sagot upang ma-achieve ang healthy lifestyle na ‘yan! Ayon sa pag-aaral, ang madalas na pagkonsumo ng lemon juice ay may magandang epekto sa katawan dahil ang lemon ay nagtataglay ng Vitamin C, B, antioxidants at iba pa.

Anu-ano nga ba ang mga health benefits nito sa ating katawan?

1. Napabubuti ang digestion. Ang lemon juice ay substance na tumutulong upang maalis ang mga toxins sa ating digestive tract. Nakatutulong din ito upang maiwasan indigestion, heartburn at bloating.

2. Pampalakas ng resistensiya. Isa ang lemon juice sa mga “good source” ng Vitamin C, na siyang kailangan ng katawan upang mapalakas ang resistensiya at maiwasan ang pagkakaroon ng ubo’t sipon at iba pang sintomas ng flu.

3. Pampaganda ng balat. Mayroon din itong antioxidant, nutrients na kailangan ng katawan upang maiwasan ang pagkasira ng kutis. Ito rin ay nakatutulong upang mapanatili ang elasticity o pagkabanat ng balat nang sa gayun ay maiwasan ang pagkakaroon ng wrinkles at pagdami ng mga blemishes.

4. Pampabawas ng timbang. Epektib din itong pampapayat dahil ang pagkonsumo nito ay tumutulong maiwasan ang pagkagutom o cravings sa pagkain. Mapalalakas din nito ang metabolismo na mabisang paraan upang madaling magbawas ng timbang ang indibidwal.

5. Oks na panlaban sa bad breath. Sa tulong ng lemon juice, hindi rin problema ang bad breath dahil nakatutulong ito upang labanan ang bakterya na posibleng mayroon ang bibig. Pero dahil ang concentrated o purong lemon juice ay maaaring makasama o makasira sa enamel ng ngipin, inirerekomenda ang lemon water o infused drink.

Ilan lamang ang mga ito sa napakaraming health benefits ng lemon juice sa ating katawan.

Ayon sa pag-aaral, mas oks ang pag-inom nito sa umaga dahil mas madali itong maa-absorb ng katawan sapagkat wala pa masyadong nakokonsumong pagkain. Kaya naman, bago simulan ang iyong araw, make sure na meron na kayong lemon juice r’yan! Okay?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page