top of page

Mga mister at misis na may ipon goals... read n’yo na! Dapat gawin ng mag-asawa para makaipon na per

  • Jersy Sanchez
  • Jun 9, 2020
  • 2 min read

Isang malaking hamon ang pag-iipon ng pera kapag single tayo dahil napakaraming tukso tulad ng online shopping, cravings at kung anu-ano pa, pero kapag may asawa o partner ka na, mas mahirap. Agree?

Dito na kasi pumapasok ang magkakaibang opinyon at habit pagdating sa paggastos at pag-iipon, gayundin ang financial goals.

Pero paano nga ba makapag-iipon ang mga mag-asawa para maging financially stable?

1. UNAWAIN ANG FINANCIAL HABIT. Mahalagang malaman ang financial background ng bawat isa, gayundin ang concern, habits at goals. Intindihin ang existing responsibilities niya. Ayon sa mga eksperto, kapag nauunawaan ng mag-partner ang past financial habits ng bawat isa, makatutulong ito sa pag-abot ng kanilang goals tulad ng dream house.

2. IWASANG MAHALUAN NG EMOSYON. Bagama’t kailangang regular na mapag-usapan ang finances, hindi dapat madamay dito ang inyong emosyon. Mahalaga na maunawaan din ang ideya at opinyon ng iyong partner. Sa pagiging “financially naked” and honest, puwede n’yong malutas ang financial struggle nang hindi nawawala ang compassion sa isa’t isa.

3. BAYARAN AGAD ANG UTANG. Kung sinuman ang may utang sa inyo, lalo na sa bangko, mahalagang mabayaran ito agad dahil maaari itong magkaroon ng negatibong epekto sa inyo pagdating ng panahon.

4. PAG-ARALAN ANG JOINT ACCOUNT. Para sa mga mag-asawa, mahalaga na magkaroon ng ipon mula sa pera ninyong dalawa bukod pa sa individual account. Bakit? Lahat ng expenses sa bahay, kotse at pagkain ay puwedeng kunin dito, gayundin, ang future expenses ng inyong mga anak.

5. I-RECORD ANG BUDGET AT SAVINGS. Well, given na ito pero mga besh, iwasang isikreto ang mga purchases sa isa’t isa dahil dito magsisimula ang pagkalabu-labo ng inyong pagba-budget. Magkaroon ng spreadsheet o listahan kung saan dapat may access kayong dalawa at dito ilagay ang lahat ng expenses, budget at naitatabi o ipon. Kung may mga dokumentong kailangan, mabuting itabi rin ito for future reference.

6. EMERGENCY FUND. Ngayong may pandemic, natutunan natin ang kahalagahan ng emergency fund. Hangga’t may pinagkakakitaan, sikaping maglaan ng pera para rito dahil bagama’t hindi natin alam kung kailan magkakaroon ng emergency, alam natin kung gaano ka-convenient ang pagkakaroon ng pera para sa ganitong sitwasyon.

Sa totoo lang, hindi naman kumplikado ang pag-iipon, extra challenge lang ang pagkakaroon ng partner lalo na kung magkaiba kayo ng financial goals and habits.

Pero sa pamamagitan ng ilang tips na ito, sana ay may natutunan kayo dahil for sure, magagamit n’yo sa future. Happy saving, ka-BULGAR!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page