top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Competitive at recreational swimmers, 'wag makalimot sa guidelines

  • VA
  • Jun 8, 2020
  • 1 min read

Makakabalik na sa pool kapwa ang mga competitive at recreational swimmers kahit nasa ilalim pa halos ang buong bansa sa general community quarantine (GCQ).

Ngunit mayroong mga bagong panuntunan na ipinanukala ang Philippine Swimming Inc. (PSI) para sa kanilang "Back to Swim" guidelines na binibigyang-diin ang pinaiiral na "physical distancing" at "swim-and-go protocol".

Kahit pa itinuturing na ligtas ang paglangoy dahil wala namang ebidensiya na maaaring lumaganap ang coronavirus o COVID-19 ayon sa Centers for Disease Control and Prevention nararapat pa ring isaalang-alang at gawin ang "basic hygiene" at "distancing".

Kinakailangan ding magsuot ng face masks ang mga swimmers bago pumasok sa pasilidad kung saan sila lalangoy at kinakailangang maghugas at magsabon ng mga kamay bago lumangoy. Dapat ding may sariling "drinking o water bottle" ang bawat isang swimmer at bawal maghiraman ng swim gear.

Kailangan ding limitado ang mga swimmer sa bawat lane ng pool dahil dapat may distansiyang anim na talampakan ang bawat isa.

Bawal na rin ang mag-shower at makapagpalit ang mga swimmers sa locker room at dapat na may 10 minutong pagitan bawat training sessions at kailangang agad ding umalis sa venue ang swimmer pagkatapos.

Sa pangangalaga naman sa mga venues. kailangang i-monitor ang chlorine level at water chemistry ng limang beses kada araw bukod pa sa disinfection ng mga common areas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page