top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Rider, nabangga ng jeep

BRT​
Jun 7, 2020
1 min read

LAGUNA — Isang hindi kilalang rider ang sugatan nang aksidenteng mabangga ng owner-type jeep kamakalawa sa Bgy. Sta. Lucia, Nagcarlan.

Ang biktimang nagtamo ng sugat sa ulo ay kasalukuyan pang inoobserbahan sa ospital.

Hindi na pinangalanan ng pulisya ang sumukong driver dahil nangako itong sasagutin ang anumang gastusin sa ospital ng biktima.

Ayon sa ulat, nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng jeep kaya nabangga ang motorisklong kinalululanan ng biktima.

Nabatid na sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima at nabagok ang ulo sa sementadong kalsada.

Kaagad dinala ng driver ng jeep at iba pang saksi ang biktima sa pagamiutan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page