Kawalan ng pampublikong sasakyan, praktis sa transport strike?!
- Ka Ambo
- Jun 5, 2020
- 1 min read
Wala pa ring masakyan ang mga obrero.
Praktis lang ‘yan sa transport strike!
◘◘◘
MAHIHIRAPAN nang magwelga sa mga kalsada.
Ito ay dahil sa Anti-Terrorism Bill!
◘◘◘
HINDI na makakaporma ang kaaway ng gobyerno.
Maaaresto sila kahit suspetsa lang!
◘◘◘
MAGBATI na ulit ang US at ‘Pinas.
Lagot ang China!
◘◘◘
HINDI na sinusunod ang payo ng WHO.
Nagbalik na sa normal ang buong mundo!
◘◘◘
MAY over supply na ng facemask at alcohol.
Bagsak na dapat ang presyo nito!
◘◘◘
KAWAWA naman ang mga nagdarahop na estudyante.
Hinahanapan sila ng kompyuter sa bahay!
◘◘◘
DAPAT libre na ang Wi-Fi sa buong bansa.
Bakit walang umeeksena riyan?
◘◘◘
BUBUKSAN na rin ang mga beach at resort.
‘Yan ang malaking tama: Open air d’yan kaya ligtas sa COVID-19!
◘◘◘
NAKABALIK na sa normal ang ekonomiya.
Pero, maraming negosyo ang tuluyang nagsarado!
◘◘◘
SIGAW ng isa sa likuran.
Hindi pa normal ang buhay sa Maynila.
Bakit?
Wala pa kasing mandurukot at isnatser!
◘◘◘
TULOY ang laboratory ng shabu.
Malakas ang benta nila, may pang-iskor kasi ang mga benepisaryo ng SAP!
◘◘◘
SA totoo lang, marami ang nagpa-rebond ng buhok matapos ang ayuda ng gobyerno.
Nalosyang daw sila nang ilang buwan!








Comments