Gang leader, nasakote sa hideout
- BRT
- Jun 4, 2020
- 1 min read
Cavite—Nadakip ng pulisya ang isang gang leader kamakalawa sa kanyang hideout sa Bgy. Osorio, Trece Martires City.
Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Melvin Borabon, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, matagal nang pinaghahanap ng pulisya si Borabon, pero kamakalawa lang nagkaroon ng pagkakataon ang mga awtoridad na dakpin ang suspek.
Nabatid na ang grupo umano ni Borabon ay sangkot sa gun-for-hire, gunrunning at robbery sa nasabing lalawigan.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang mga tauhan ni Borabon.





Comments