top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

DOTr Sec. Tugade, dedma lang sa pagka-stranded ng libu-libong komyuter?!

  • Pabs Hernandez III
  • Jun 4, 2020
  • 2 min read

DOTr SEC. TUGADE, IPINAGMALAKING WALANG IPINANGAKONG PUBLIC TRANSPORT ANG GOBYERNO—Ayon kay DOTr Sec. Arthur Tugade, hindi dapat sisihin ang gobyerno sa naganap na pagka-stranded ng libu-libong mananakay dahil wala naman silang ipinangakong public transport sa unang araw ng general community quarantine (GCQ).

Ah, ganu’n ba? Pasensya na, hindi siguro alam ng publiko na malay n’yo ba na ang pampasaherong jeepney at bus pala ang pangunahing transportasyon ng karaniwang komyuter? Pwe!

◘◘◘

DILG, PALPAK NANG IPAGBAWAL ANG MGA TRICYCLE NA BUMIYAHE SA PANAHON NG ECQ—Sabi ni DILG Sec. Eduardo Año, kung gusto ng mga rider na isabay ang kanilang misis, lagyan nila ng sidecar ang kanilang motorsiklo.

Payag naman pala ang DILG na may nakasakay sa sidecar ng motorsiklo, eh, bakit ipinagbawal nilang bumiyahe ang mga tricycle noong kasagsagan ng enhanced community quarantine?

Dahil sa kapalpakang ‘yan ng DILG, ang dami tuloy miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang nakaranas ng gutom sa panahon ng lockdown, buwisit!

◘◘◘

ANIM NA TSUPER, NAGMAMAKAAWA LANG NA BUMIYAHE, INARESTO PA—Matapos hindi payagan ng gobyerno na bumiyahe ang mga pampasaherong jeep sa ilalim ng GCQ, anim na tsuper ang nagprotesta at nagmamakaawa sa pamahalaan na payagan na silang bumiyahe. Pero imbes na pakinggan, inaresto sila ng mga pulis dahil hindi umano sumusunod sa social distancing.

Isa ‘yan sa mga patunay na may double standard na ipinaiiral ang gobyerno sa pagpatupad ng batas kasi nang lumabag sa “Bayanihan to Heal as One Act” sina Sen. Koko Pimentel, OWWA Deputy Administrator Mocha Uson at NCRPO Director, Gen. Debold Sinas hindi sila naparusahan, pero ang anim na tsuper na gusto lang namang maghanapbuhay, inaresto at ikinulong, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MGA TAGA-SAMAR AT LEYTE NASA KRISIS NA PERO NIRARAKET PA NI “PACOY”—Patuloy ang operasyon ng raket na “swertes” ni “Pacoy” sa Northern Samar at Leyte.

Aba, dapat ipaaresto na nina Northern Samar PNP Director, Col. Reynaldo dela Cruz at Leyte PNP Office Director, Col. Rodelio Samson si “Pacoy” kasi hirap na sa buhay ang mga residente sa dalawang lalawigang ito dulot ng krisis na dala ng coronavirus, eh, niraraket pa sila ng gambling lord na ito, buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page