VICE, TODO-THANK YOU SA MGA KONG. NA KAMPI SA ABS-CBN

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, nagpasalamat ang It's Showtime host na si Vice Ganda sa lahat ng members of the House of Representatives who expressed their support for ABS-CBN in a bid to have another 25-year franchise.
“Maraming salamat sa mga kongresista na nagpahayag ng kanilang suporta sa ABS-CBN, sa mga manggagawa nito at sa mga serbisyong naibibigay nito sa bansa,” ani Vice.
Sinabi rin ni Vice na nakatitiyak siyang iboboto ng mga constituents ang mga naturang kongresista sa darating na eleksiyon dahil sa suporta nila sa Kapamilya Network.
Ilan sa mga mambabatas who filed bills seeking to grant ABS-CBN another 25-year franchise were Rep. Loren Legarda, Rep. Vilma Santos-Recto, Rep. Sol Aragones, Rep. Joy Myra Tambunting, Rep. Micaela Violago and Rep. Baby Arenas.
Ngayong Miyerkules, June 3, muling diringgin sa Kamara ang panukalang magbibigay ng panibagong 25 taong prangkisa sa ABS-CBN.
Sa araw ding ito, iimbitahan sa nasabing session si Eugenio "Gabby" Lopez para sagutin ang issue tungkol sa kanyang citizenship.





Comments