Panawagan sa DOTr, dagdagan ang public transport system, ‘wag pahirapan ang mga komyuter
Ano nga ba ang plano para sa mga karaniwang komyuter na umaasa sa pampublikong transportasyon para makapasok sa trabaho at makauwi?
Sa paglipat ng Metro Manila sa general community quarantine noong Lunes, bumungad sa atin sa social media at sa iba’t ibang news outlet ang mga kuwento at litrato ng mga kababayan nating stranded sa daan.
Nananawagan tayo sa Department of Transportation na kung maaari ay dagdagan ang public transport options para sa mga kababayan natin.
☻☻☻
Sino ba ang dapat na priority?
Karamihan sa mga kailangang pumasok at walang work-from-home option ay mga taong umaasa sa daily wage.
Marami sa mga ito ay umaasa lang sa jeepney bilang pangunahing transportasyon.
Hindi natin dini-diskuwento ang halaga ng phasing sa pagbalik ng public transport.
Pero dapat at palagi, ang unang priority ay iyong sektor na pinaka-limitado ang options at resources. Those who have less in life should have more in law, ‘ika nga.
☻☻☻
Ayon sa grupong AltMobility na nagsusulong ng mas maayos na public transport sa bansa, 88% ng Filipino households na walang kakayahang bumili ng sariling sasakyan ang nanganganib ang kaligtasan at mobilidad kung patuloy na pababayaan ang public transport system.
Ang iba pang datos: Half million health, barangay at social workers na napipilitang maglakad dahil sa kakulangan ng public transport; 1 million buntis; 1.5 million persons with disability; 7.5 million senior citizens; 20 million students.
Nasa panganib din ang kabuhayan ng 2.7 million land transport workers.
Sa usapin ng ekonomiya, P520 billion ang nakatayang economic losses every year sa Metro Manila lamang kung mananatili ang status quo.
☻☻☻
Mayroon silang proposal na mag-laan ang pamahalaan ng P110 billion urban mobility support package na ipatutupad sa tatlong yugto sa loob ng tatlong taon sa mga urban areas ng bansa.
Aabot daw sa P373 billion ang estimated benefit ng investment na ito.
Binigyang-diin ng pandemikong ito ang napakalalim na problema sa public transport sa ating bansa.
Ang masaklap, napakalaking posibilidad na kung pababayaan natin, mas matagal pa sa pandemiko ang pagdurusa ng ating mga kababayan dahil sa bulok na transport system.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay





Comments