top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Hirap na sa buhay-bundok, 44 NPA sumuko

  • BRT​
  • Jun 2, 2020
  • 1 min read

Sarangani—Apatnaput-apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) na nahihirapan na sa pamumuhay sa bundok ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Kiamba.

Para sa kanilang seguridad ay hindi na pinangalanan ng mga awtoridad ang mga sumukong rebelde.

Napag-alaman na isinuko ng mga ito ang kanilang mga dalang armas, bala at subersibong dokumento.

Ayon sa mga sumukong NPA, bukod sa nahihirapan na sila sa buhay sa bundok ay nais na nilang makapiling ang kanilang pamilya at magbagong-buhay.

Kasalukuyan nang isinasailalim sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong NPA.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page