top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kahulugan ng hinabol ng lalaki, matandang babae na nakapula at susi na nakalagay sa padlock

  • Socrates Magnus
  • May 31, 2020
  • 1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Armeli na ipinadala sa Facebook Messenger.

Dear Professor, Ano ang ibig sabihin ng may humabol na lalaki sa akin at ibinigay ‘yung payong na pula na naiwan ko raw? Kinuha ko naman ‘yung payong, tapos habang naglalakad ako, may nadaanan akong bahay na puro bulaklak na pula at pink at may matandang babae na nakapula rin. Tapos naglakad ulit ako, may nadaanan naman akong bahay na naka-padlock, pero ‘yung susi ay nakakabit du’n sa padlock pero hindi ko binuksan.

Naghihintay, Armeli

Sa iyo Armeli, “Rosy life” ang tawag sa buhay na maganda, masaya at maraming pera. Sa ganitong katotohanan, ayon sa iyong panaginip, gaganda, sasaya at magkakaroon ka ng maraming pera.

Ang tanong, kanino kaya ito manggagaling? Kanino pa, eh ‘di sa lalaki na may pagtingin sa iyo na ang unang palantadaan ay lalaking handa kang proteksiyunan at siya ang lalaki sa panaginip mo na nag-abot ng payong.

Ang matandang babae naman na nakapula ay inilalarawan ni God. Minsan, si God ay matandang lalaki, pero sa iyong panaginip, siya ay nasa anyong matandang babae. Gayunman, ang ibig sabihin ng nakapula Siya ay nagsasabing, dapat kang magnegosyo at kapag sinunod mo ito, maaaring hindi ka makapaniwala at puwede ka ring mabigla dahil sa pagnenegosyo ay magkakaroon ka ng bagong kapalaran at ito ang naka-padlock na bahay at may susi.

Buksan mo ito at kunin mo ang susi. Muli, ang susi sa iyong pagyaman ay ang pagnenegosyo.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page