top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

PBA tuloy ang pagbibigay ayuda sa miyembro, plano sa new normal, iisa-isahin

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • May 30, 2020
  • 1 min read

Siniguro ng PBA na nakakaraos ang liga sa gitna ng COVID-19 pandemic na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sa isang Senate committee on finance meeting noong Biyernes, pinabatid ni PBA commissioner Willie Marcial na hindi pa nakakaranas ng problema ang liga pagdating sa ekonomiya. Dahil dito ay pinarating ni Marcial na handang tumulong ang liga sa mga mas nangangailangan.

“Sa hirap nang pinagdadaanan ng lahat ay nakakaraos pa rin naman po ang PBA. At ipinararating po ng aming chairman, Mr. Ricky Vargas, na kung may i-o-offer kayong tulong ay itulong na lang po natin sa mas nangangailangan,” wika ni Marcial sa hearing, ayon sa isang artikulo sa website ng PBA.

Sa naturang hearing na ginanap gamit ang video conference ay inimbita ni Sen. Sonny Angara ang kinatawan ng iba’t ibang industriya para malaman ang kalagayan ng iba’t ibang sector.

“Moving forward, we will determine what must be done to help them minimize their losses and preserve the jobs of their employees now that they will have to operate under a drastically different environment that we are calling the new normal,” saad ni Angara.

Ayon kay Marcial, kahit mabigat na tinamaan din ang iba’t ibang negosyo ay tumulong pa rin ang lahat ng mga team owners ng PBA sa mga nangangailangan.

Samantala, nakatakdang magsagawa ng board meeting ang PBA sa Miyerkules upang iplano ang mga guidelines kung sakaling payagan na ng gobyerno na magkaroon ng mga mass gatherings katulad ng sports events sa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Simula Lunes ay nasa GCQ na ang buong Metro Manila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page