FIBA World Cup 2023 championship sa Pinas idaraos
- BULGAR

- May 30, 2020
- 1 min read

Matgumpay na ginanap ang unang pulong ng FIBA Basketball World Cup 2023. Gamit ang internet, tinalakay ang magiging struktura at pamamalakad, mga stratehiyang pinansyal at ang pangkalahatang plano para sa torneo na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 sa Pilipinas, Japan at Indonesia.
Ito ang unang pagkakataon na higit sa isang bansa ang magsisilbing punong abala. Naganap ang 1978 World Cup sa Pilipinas at noong 2006 sa Japan.
“We were all witness to an incredible event last year in China and the next FIBA World Cup will be brought to another level in 2023 taking place in Asia across three countries,” wika ni Richard Carrion ng Puerto Rico, ang Chairman ng FIBA Basketball World Cup 2023. “We are looking forward to continued collaboration with these host nations.”
Ang iba pang mga kasapi ng Board ay sina FIBA Presidente Hamane Niang ng Mali at FIBA Secretary General Andreas Zagklis ng Gresya. Kasama din ang mga kasapi ng FIBA Central Board na sina Manuel V. Pangilinan ng Pilipinas, Erick Thohir ng Indonesia at Yuko Mitsuya ng Japan.
Hahatiin ang Group Stages sa tatlong bansa. Ang kampeonato ay gaganapin sa Pilipinas.
Aabutin ng 15 buwan ang proseso ng qualification mula Nobyembre, 2021 hanggang Pebrero, 2023. Inaasahan na 80 bansa ang lalahok para makamit ang isa sa 32 na pwestong naghihintay.





Comments