MEGAN, TANGGAP KAHIT MAS MADALDAL SA KANYA ANG MISTER NA SI MIKAEL
- Erlinda Rapadas
- May 29, 2020
- 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga
In complete contrast ang personalidad ng newlywed couple na sina Ms. World 2015 Megan Young at Kapuso actor Mikael Daez. And yet, swak na swak sila sa isa't isa and they complement each other.
Base na rin sa kuwento ni Megan Young sa kanilang vlog, madaldal at medyo makulit si Mikael at siya naman ang silent type at may pagkamahiyain noong hindi pa siya na-expose sa mga beauty pageants.
Eight years din ang kanilang naging relasyon bago sila nagdesisyon na magpakasal.
Tanggap ni Megan ang pagiging hyper at madaldal ni Mikael. Malaki ang naitulong ni Mikael upang magkaroon si Megan ng kumpiyansa sa sarili. Si Mikael ang nag-push sa kanya nang husto nang sumali siya sa Ms. World beauty pageant. Si Mikael din ang nag-advise sa kanya kung ano ang dapat na maging advocacy matapos manalong Ms. World 2015. Kaya, marami siyang charity projects na sinuportahan.
Sey nga ng mga friends ni Megan, ang kanyang mister na si Mikael Daez ang "wind beneath her wings" at ngayong mag-asawa na sila, si Mikael pa rin ang tumutulong upang maging maayos ang flow ng kanilang finances. Mahilig kasing mag-ipon at magnegosyo ang aktor.





Comments