Crush na Korean actor, pupunta sa 'Pinas after ng lockdown... SHARON, PROUD NA GAGAMITIN ANG PAG
- Julie Bonifacio
- May 29, 2020
- 2 min read

Na-excite bigla si Megastar Sharon Cuneta sa balitang pupunta ng Pilipinas ang bida sa sikat na Koreanovela sa Netflix na Crash Landing on You na si Hyun Bin.
Si Pops Fernandez ang nagbalita kay Sharon na bibisita sa bansa ang Korean actor sa ginanap na tsikahan sa YouTube channel ng Concert Queen.
"Whaaaaat?" reaksiyon ni Sharon sa pagpunta sa 'Pinas ni Hyun Bin.
It's all over in the internet ang planong pagpunta ni Hyun Bin sa 'Pinas after ng lockdown para sa bagong endorsements. Isa sa mga product endorsements niya sa 'Pinas ay diumano ang clothing brand na Bench.
"I never abused my friendship with Ben Chan (Bench owner) since 1990s. This will be the first," sabay tawa ni Mega.
Knows naman ng mga fans ni Sharon na hindi lang niya gusto si Hyun Bin kundi iniibig pa raw niya.
"Hindi ko siya gusto, i-ni-i-big ko siya," mariing sabi ni Mega.
Tanggap naman ng mister ni Sharon na si Sen. Francis "Kiko" Pangilinan ang "pagkahumaling" ng misis niya sa Korean actor.
In fact, "kinokopya" at feeling Captain Ri (name ng character ni Hyun Bin sa CLOY) na rin si Sen. Kiko.
Sa social media account ni Sen. Kiko ay nag-post siya ng video kung saan may picture siya na nakasuot ng army uniform at picture ni Mega na gaya naman nu'ng sa bidang babae sa CLOY.
"Walang masangsang na patis sa bagong pitas na organic na kamatis! Panoorin kung paano tayo naging Captain Ki, ang Tomato Cultivator ni Sharon Cuneta!" caption ni Sen. Kiko sa kanyang video post.
Ang video ni Sen. Kiko ay tungkol sa tamang paraan ng pagtatanim ng kamatis. May portion pa sa video na ikinonek ni Sen. Kiko ang pagtatanim ni Capt. Ri sa serye.
"Kung naaalala ninyo si Capt. Ri, 'yung tomato cultivator? Ayun, kinakausap niya, 'di ba?" sabi ni Sen. Kiko sa kanyang video.
Lakas talaga ng sense of humor ni Sen. Kiko.





Comments