top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tagapagmana ng mga padir... MGA BABAENG ANAK NINA RONNIE AT JESTONI, NEXT ACTION STARS

  • Erlinda Rapadas
  • May 28, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Parang kailan lang na nagbibida sa mga action movies sina Ronnie Ricketts at Jestoni Alarcon. Pati martial arts ay kanilang pinag-aralan upang magamit sa kanilang pelikula at mga palabas sa telebisyon.

Pareho na ring nag-asawa at nagkaroon ng mga anak sina Ronnie at Jestoni at napakabilis ng panahon dahil ngayon ay may mga anak na sila na nangangarap sundan ang kanilang yapak bilang mga action stars.

Pero, parehong babae ang mga anak nina Ronnie at Jestoni at pareho na ring magaling sa martial arts.

Si Raechelle Ricketts na panganay nina Mariz at Ronnie ay mahusay sa Taekwondo. Bata pa ay sinanay na siya ng kanyang ama sa iba't ibang klase ng martial arts bilang self-protection.

At ngayon na gusto na rin niyang mag-artista at pasukin ang mundo ng showbiz, very supportive ang kanyang mga parents na pareho ring celebrities.

Si Jestoni naman, natuwa nang luminya sa aksiyon ang kanyang pretty daughter na si Angela. Ito na raw ang magmamana ng kanyang pagiging action star.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page