Selfie at autograph sa fans bawal ayon sa health protocol ng FIBA
- BULGAR

- May 27, 2020
- 2 min read

Naglabas ang FIBA ng mga pamantayan sa pagbabalik ng basketball sa buong mundo. Sa dokumentong tinawag na Return to Basketball – Restart Guidelines for National Federations ay nakasaad ang mga gabay para sa mga national basketball federations katulad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) para sa pagpapatuloy ng mga laro sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ilan lamang sa mga nakasaad sa dokumentong ito ay ang mga hindi dapat gawin ng mga manlalaro kapag sila’y maglalaro sa gitna ng pandemic katulad ng pag-high five, pagkamay, at pagyakap sa kapwa manlalaro.
Hinihikayat din ng FIBA na magkaroon ng social distancing sa bench at maging kapag hindi naglalaro ngunit nasa loob ng stadium, at iwasan muna ang makipag-selfie at makipag-autograph sa mga fans.
Ayon sa FIBA, hinihikayat din nila ang paggamit ng mga hand sanitizers kapag substitutions at towel para lamang sa sari-sariling manlalaro. Hinihikayat din ng FIBA ang paglilinis ng mga equipment katulad ng mga bola.
Ayon sa FIBA ay dapat sumunod ang mga national federations sa mga pamantayan ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa kani-kanilang lugar.
“This information is intended for National Federations and is not intended to replace the guidance and restrictions of governments and public health authorities,” saad ng FIBA sa dokumento.
Dagdag ng FIBA, asahan na rin ng mga national federations katulad ng SBP na pagbabawalan ang mga tao na manood ng basketbol sa mga stadium at arena.
“Federations should also anticipate that there may be an unwillingness on the part of many to participate in events in settings where crowds are anticipated. In any event, as spectator access is allowed by public authorities it is reasonable to anticipate that there will be specific expectations regarding social-distancing in spectator areas as well as very specific approaches to regulating entry and exit, monitoring and regulation of crowd activity, and a limitation on the use of other than essential venue facilities. Federations should be aware that the management of spectators may require specific venue staff training,” saad ng FIBA.





Comments