Habang tumitindi ang init ng panahon... Dos and don’ts para makaiwas sa heat stroke
- Jersy Sanchez
- May 27, 2020
- 2 min read

Ngayong damang-dama natin ang init ng panahon, nagbabala ang mga eksperto na asahan nating titindi pa ito. Gayunman, isa ito sa kalaban ng mga kababayan nating nagbibisikleta papasok at pauwi sa trabaho, gayundin silang mga sumasabak sa mahaba-habang lakaran habang wala pang pampublikong transportasyon.
Bukod pa rito, hindi nawawala ang panganib ng heat stroke gayung wala itong pinipiling edad o tao. Kaya naman narito ang ilang paraan para maibsan ang init na nararamdaman at makaiwas sa nakamamatay na heat stroke.
Ayon sa Department of Health (DOH), maituturing na medical emergency ang heat stroke kaya hindi ito dapat dedmahin. Ilan sa mga sintomas nito ang mainit na pakiramdam, panghihina, pagkahilo, pananakit ng ulo, mabilis na tibok ng puso, mataas na lagnat at pagkawala ng malay.
Gayunman, ilan sa mga sanhi ng heat stroke ang mainit na panahon, matinding pag-e-ehersisyo sa mainit na panahon, dehydration at direct exposure sa araw.
Well, hindi man natin maiwasang lumabas ng bahay at ma-expose sa init, paano naman maiiwasan ang heat stroke?
Limitahan ang paglabas ng bahay
Uminom ng higit pa sa 8-10 baso ng tubig kada araw
Iwasan ang tsaa, kape, soda at nakalalasing na inumin
Gumamit ng wide-brimmed at long-sleeve na damit kung lalabas
Idepende sa temperatura ang paggawa ng heavy-duty activities
Ngayong alam na natin kung paano ito maiiwasan, anu-ano ang dapat gawin kapag may na-engkuwentro tayong inaatake ng heat stroke sa daan?
Ilipat siya sa malilim na lugar o sa loob ng bahay at ihiga habang elevated ang legs
Kung kaya niyang uminom, painumin ito ng malamig na tubig
Kailangan ding tanggalin ang damit, lagyan ng malamig na tubig ang balat habang nilalagyan ng ice pack ang kilikili, wrists, ankles at groin o singit
Pagkatapos gawin ang emergency measures, agad na dalhin sa ospital ang pasyente
Ayan, mga bro at sis, habang tumitindi ang init ng panahon at parami nang parami ang lumalabas ng bahay dahil kailangang magtrabaho, ‘wag ninyong kalilimutan ang ilang tips na ito para makaiwas sa nakamamatay na sakit, gayundin, upang makatulong sa sinumang aatakihin nito sa daan.
Sa mga ka-BULGAR nating araw-araw na nagbibisikleta at sumasabak sa mahabang lakaran, magpalakas kayo ng katawan at magbaon ng tubig sa daan. Copy?








Comments