Sey n’yo, Sharon, Bela at Angel? RAFFY TULFO, NAG-DONATE NG P1 MILYON SA MGA SINALANTA NG BAGYONG AM
- Mercy Lejarde
- May 26, 2020
- 2 min read

YESSS, ang newscaster at You Tube vlogger na si Raffy Tulfo ay nagbigay ng P1 M na ayuda sa isa sa mga probinsiyang tinamaan ng malakas na hagupit ng bagyong Ambo - ang probinsiya ng Eastern Samar.
Dahil sa malaking pinsala ng bagyo, napilitang humingi ng tulong si Congresswoman Maria Fe Abunda ng E. Samar at isa sa kanyang mga nilapitan ay ang news anchor at veteran radio personality ng TV5/Radyo Singko at isa sa mga popular YouTuber sa bansa na si Raffy Tulfo.
Sa isang text message na ipinadala ni Congresswoman Abunda ay hindi na nagdalawang-isip si Raffy at agad siyang nagpadala ng isang milyong piso sa pamamagitan ng bank to bank transaction.
"Sana, kahit paano, eh, nakatulong 'yan sa mga kababayan natin sa Eastern Samar para may makain sila o may pambili man lang ng kanilang pangangailangan.
"Kung may iba pang pangangailangan, eh, mag-text lang ulit sa amin si Cong. Abunda at muli kaming tutulong," sabi pa ni Tulfo sa kanyang naka-upload na YouTube video.
Nakita rin sa naka-upload na video na agad nagpabili ng food packs si Congresswoman Abunda at ipinamahagi sa kanyang mga kababayang nasalanta sa Eastern Samar.
"Maraming salamat sa malaking tulong na naibigay n’yo sa ating mga kababayan. Mabuhay po kayo," sabi naman ni Cong. Abunda.
Hindi pulitiko si Raffy Tulfo kaya marami ang nagsasabi na malamang ay galing sa kanyang personal na pondo ang naibigay na ayuda.
Sey n’yo, Sharon Cuneta, Bela Padilla at Angel Locsin na milyones din ang ibinigay sa mga frontliners, in pernes.
Kelan naman kaya ang P1M na ayuda para sa showbiz press na no work, no pay din at kaydaming bills na bayarin? Just asking lang po.





Comments