top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Aktres, nagpasaklolo sa NBI... ANGEL, COCO AT KIM, PINAPAPATAY KAPALIT NG P200 MILLION

  • Beth Gelena
  • May 21, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

NANAWAGAN si Angel Locsin sa National Bureau of Investigation (NBI) dahil may expose ang isang Twitter account holder na ‘pinapapatay’ umano siya at maging ang ibang Kapamilya stars na sina Coco Martin at Kim Chiu.

Tweet ng isang @KJ Abellanosa, “@gmanetwork Isa ka ba sa mga supporter ni Pangulong Duterte at GMA? Puwes, I will give you P200-million sa sinumang mga Duterte at GMA supporters ang makapatay kina Kim Chiu, Coco Martin at Angel Locsin. Makakasama n'yo ang NPA para pasabugin ang ABS-CBN Compound."

Ini-repost ni Angel sa kanyang Twitter account ang screenshot ng naturang post. Agad ding nagpasaklolo ang actress sa NBI dahil sa death threat na natanggap. Nilagyan niya ng caption na: "Hello, NBI? Beke nemen po..." ang ini-repost na screenshot.

Ang Twitter account ay ginawa lang nitong May, 2020 at may isang follower. Tanging ABS-CBN lang ang nilalaman ng tweet na may offer na P200M para ipapatay ang network artists at pasabugin ang istasyon.

Ang isang post naman ay pinaratangang miyembro ng NPA si Angel.

Laman ng post, “Angel Locsin is a NPA SUPPORTER KAYA HINDI DAPAT PANIWALAAN SINASABI NG BABAENG 'YAN.”

Sa ilalim ng post ay may nakalagay na pangalang Placido Dignos.

Sabi ni Angel tungkol dito, "Baka puwedeng makahingi naman ng pang-ayuda, kuya," with laughing emoji.

"'Wag n'yong i-message," sabi niya sa kanyang mga followers. "Natawa-loka lang ako!" sambit pa ng Kapamilya actress.

Ang fiancé niyang si Neil Arce ay nag-message rin sa actress ng “NPA ka pala.”

Halakhak lang ang itinugon ni Angel sa boyfriend.

Siguro, maging aware rin ang aktres sa kanyang mga bashers. 'Wag niyang daanin sa tawa ang lahat dahil hindi biro ang death threat sa kanila. Kailangang seryosohin nila ang paghingi ng tulong sa NBI.

Sina Angel, Kim at Coco ay ilan lang sa mga celebrities na sumusuporta sa #LabanKapamilya campaign ng ABS-CBN.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page