top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa first day ng ECQ... VICE, SINERMUNAN ANG MGA ATAT NA ATAT NA NAGPUNTA SA MALL

  • Vinia Vivar
  • May 18, 2020
  • 1 min read

Sinermunan ni Vice Ganda sa Twitter ang madlang pipol na nagsilabasan last Saturday na unang araw ng pagkaka-lift ng enhanced community quarantine.

As we all know, ang maraming lugar ngayon sa Luzon ay nasa ilalim na ng GCQ (General Community Quarantine) at MECQ (modified enhanced community quarantine) kung saan ay mas maluwag na kaysa sa ECQ at puwede nang lumabas ang mga tao dahil bukas na rin ang ibang malls.

Nagsipuntahan na agad ang mga tao sa mall nang araw na ‘yun na akala mo’y nakawala sa kural.

Tweet ni Vice Ganda, as is, “HINDI PA SAFE LUMABAS. MARAMING MAAARING MAKAKUHA, MAHAWA AT MAMATAY. BUHAY NA BUHAY PA ANG COVID-19 PARA PATAYIN TAYONG LAHAT. MANATILI TAYO SA LOOB NG MGA BAHAY UTANG NA LOOB!”

Isa pa niyang tweet, “Kung hindi rin naman mahalaga ang pakay mo sa paglabas, kung maaari namang ipagpaliban, kung wala namang kapararakan, kung dala lang naman 'yan ng kabagutan o kaharutan, utang na loob 'wag ka nang lumabas. Maawa ka sa sarili mo, sa mahahawa mo at sa mga frontliners.”

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page