top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ibinuking ng utol na si Mona... IVANA, BOYFRIEND NA SI DJ LOONYO!

  • Erlinda Rapadas
  • May 17, 2020
  • 1 min read

Erlinda Rapadas / Teka Nga

Isa sa mga recent posts ng magkapatid na Ivana Alawi at Mona Louise Rey ay nang ibuking ng huli na Bf na ng Ate Ivana niya ang sikat na si DJ Loonyo.

Nagkukuwento kasi si Ivana tungkol sa isang taong nagpadala sa kanya ng sangkaterbang bulaklak na halos mapuno na ang kanilang bahay. Masaya naman daw siya sa ginawang effort ng nagpadala at naa-appreciate niya ang magagandang bulaklak.

Pero, mas magiging masaya raw sana kung sa halip na mga bulaklak ang ipinadala ng "special guy" ay mga relief goods na lang na puwedeng ipamigay sa mahihirap. Marami pang gustong bigyan ng ayuda si Ivana lalo na 'yung mga nasa depressed areas na hindi nakatanggap ng SAP mula sa DSWD.

Nauna na siyang namahagi noong mga unang linggo ng COVID pandemic. At kung kakayanin ay gusto pa niyang magbigay ulit sa iba.

Sumingit naman si Mona Louise na alam niya kung sino ang nagpadala ng mga bulaklak. Si DJ Loonyo raw 'yun na BF ni Ivana.

Todo-deny pa rin si Ivana at sinabing "friends" lang sila ni DJ Loonyo.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page