top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

'Di ang misis na si Max ang first time... PANCHO, AMINADONG SANAY NA SANAY NANG MAKAKITA NG MGA

  • Vinia Vivar
  • May 17, 2020
  • 2 min read

Ngayong Hulyo ay nakatakda nang manganak si Max Collins sa first baby nila ni Pancho Magno at sobrang excited na ang mag-asawa’t hindi na nga raw sila makapaghintay na makita ang kanilang anghel.

“Nae-excite kami na sana, nandito na siya sa tabi namin,” natatawang sabi ni Pancho nang ma-interview namin online with some members of the press via Zoom.

Homebirth delivery ang plano nina Max and Pancho dahil mas safe raw sa bahay kaysa sa hospital sa panahon ngayon ng COVID-19.

In preparation ay nag-online class pa si Max tungkol dito.

"Nag-online class po ako for one month, on gentle birthing and home water birth. So, since we kind of know how to go about it, what we need is a pool at home.

"And then, siyempre, may iba pang kailangan, but other than that, we found a doula and a midwife na magpa-facilitate.

"Kasi hindi po 'yung OB (obstetrics gynecologist) 'yung magpa-facilitate ng labor. It would be by the midwife,” sabi ni Max.

At bilang dating nurse rin si Pancho bago pa man siya nag-artista ay may karanasan na rin siya sa pagpapaanak.

“Na-experience kong magpaanak, eh, ilang beses na, nakita ko first hand ‘yung mga. . . kung paano lumabas ang baby which is sobrang nakaka-proud, sa lahat ng moms sa inyo d'yan. I mean, I’m super proud kung paano n’yo ginagawa ‘yun,” sey ni Pancho.

Kahit pa nasa gitna ng health crisis ang buong bansa ngayon, naniniwala si Pancho na perfect time pa rin ito to have a baby.

“Mahirap sabihin, pero it’s a perfect time to have a baby, eh. Kasi mayroon kang quality time. Like kasama mo siya (Max) the whole time. Kasi, kapag may work ako, wala ako sa bahay, siya lang mag-isa, wala siyang kasama,” he said.

Boy ang ipinagbubuntis ni Max at may napili na nga raw silang name pero ayaw pa muna nilang sabihin.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page