P-Duterte, mag-isang nag-celebrate ng birthday dahil bawal ang mass gathering pero si Gen. Sinas, na
- Pabs Hernandez III
- May 14, 2020
- 2 min read
P-DUTERTE, NAG-SOLO LANG NOONG BIRTHDAY NIYA PERO SI GEN. SINAS, BONGGA ANG BIRTHDAY PARTY—Sa kaarawan ni P-Duterte noong March 28 ay mag-isa lang niya itong idinaos, hindi rin niya pinapunta sa Malacanang ang kanyang long-time partner na si Honeylet Avancena, mga anak at apo dahil bawal ang mass gathering.
Pero ang namumuno sa pagpapatupad ng batas sa Metro Manila na si NCRPO Director/Gen. Debold Sinas ay may bonggang party sa kanyang birthday noong May 8.
Ang nakadidismaya, imbes na sibakin ni PNP Chief Gen. Archie Gamboa si Gen. Sinas ay ipinagtanggol pa nitong wala raw naganap na party pero kitang-kita naman sa mga kumalat na larawan sa social media ang may de-catering na tsibugan, laklakan ng alak at may banda pa sa kaarawan ng NCRPO chief, buwisit!
◘◘◘
PALUSOT NI GEN. SINAS, SABLAY—Ang palusot ni Gen. Sinas ay hindi siya ang naghanda ng party kundi ang mga tauhan niya bilang “surprise birthday” sa kanya.
Ganu’n? Kahit surprise birthday party ‘yan, bawal ‘yan. Alam nila ang batas kaya alam nilang ipinagbabawal ngayon ang mass gathering.
Kung pinuna sana ni Gen. Sinas ang kanyang mga tauhan na nagprepara ng birthday party, bida sana siya sa publiko, kaya lang naki-party pa siya, boom!
◘◘◘
TITSER AT CONSTRUCTION WORKER, KULONG DAHIL SA JOKE LABAN KAY P-DUTERTE—Magkasunod na inaresto ng NBI at PNP ang isang titser at isang construction worker na kapwa nag-post ng joke sa social media na magbibigay sila ng reward sa sinumang papatay sa Pangulo.
Ang post ng titser ay P50-M pabuya at dinoble naman ito ng construction worker na P100-M daw ang ibibigay niyang reward. Bagama’t malinaw na joke lamang ang mga ito dahil wala naman silang ganyang kalaking halaga ng pera, pero dahil labag sa batas ang magbanta sa buhay ng tao, lalo na kung buhay ng pangulo ang pinagbabantaan ang resulta ay himas-selda ang inabot nila, boom!





Comments