top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Balik-pasada ng mga PUV pagkatapos ng ECQ, pinaghahandaan na!

Nancy Binay
May 13, 2020
2 min read

Tinalakay sa hearing ng committee on public services nitong nakaraang Lunes ang isyu ng pagbabalik ng pampublikong transportasyon pagkatapos ng enhanced community quarantine.

Ang naganap na hearing ang unang virtual hearing na naging posible dahil sa Senate Resolution No. 372 na nag-aamiyenda ng Senate Rules.

Mahalagang malaman natin ang plano ng pamahalaan para masiguro na ang pagbalik ng public transport ay ligtas para sa madla at alinsunod sa mga health and safety protocol.

Nauna nang maglabas ang Department of Transportation ng guidelines sa pagbalik ng public transport pagkatapos ng ECQ.

Kabilang sa mga ito ang pagsusuot ng face mask, paghikayat sa mga public utility vehicle na magkaroon ng automatic fare collection system, pagkakaroon ng thermal scanner, at social distancing mechanisms.

☻☻☻

Isa sa mga isyung napag-usapan sa hearing ay ang pagbibigay ng suporta ng pamahalaan sa mga PUV.

Malaki ang mawawalang kita para sa mga PUV na nakasalalay sa pag-operate ayon sa “maximum passenger capacity” kung mag-iimplementa ng social distancing.

Umaasa tayong mabibigyang-linaw ang isyung ito sa mga susunod pang mga araw.

☻☻☻

Ang isa pang nakababahalang balita na napag-alaman natin sa hearing ay ang mabagal na pag-usad ng pagbigay ng ayuda sa mga PUV drivers sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis program ng DSWD.

Alinsunod ang pagbibigay-ayuda sa Bayanihan to Heal as One Act, na nagtakda ng P200 billion bilang cash aid sa 18 million na mahihirap na pamilyang apektado ng quarantine.

Nasa 40,000 pa lang sa 90,000 na PUV drivers ang nakatanggap ng ayudang umaabot sa P323.34 million.

Ayon sa DSWD, as of April 28, nasa 8.2 milyong pamilya pa lamang ang nakatatanggap ng ayuda. Halos P45 bilyon pa lang ang naipamigay sa P100 billion na alokasyon para sa buwan ng Abril.

Naiintindihan nating maraming isyu sa distribusyon ng ayuda. Kailangan din na purihin ang pagkukusa ng pamahalaan na gamitin ang financial technology para mapabilis ang distribusyon.

Ngunit sana’y mas bilisan pa ang aksyon. Sa bawat paglipas ng araw ay lumalala ang gutom na nararanasan ng mga kababayan natin.

☻☻☻

Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng kamay, bigyang pahalaga ang kalusugan, at huwag kalilimutang magdasal.

Malalagpasan din natin ito.

Be Safe. Be Well. Be Nice! ☻

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.

Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page