top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Phil Poomsae, naka-3 gold sa online competition

  • Gerard Arce
  • May 12, 2020
  • 1 min read

Sumipa ng tatlong gintong medalya ang pambansang koponan ng Taekwondo jins sa kauna-unahang 1st Online Daedo Open European Poomsae Champiosnhips na ginanap simula Mayo 4-10.

Ibinigay ni 2019 Southeast Asian Games women’s recognized gold medalist Jocel Lyn Ninobla ang magandang performance nito sa women’s under 30 Female Individual event sa pagkuha ng kabuuang puntos na 7.565 para sa unang ginto ng bansa.

Dinaig ng University of Santo Tomas student-athlete si Raquel Guillen Sanchez ng Spain para sa unang puwesto, habang nakuha nina Mahsa Sadeghi ng Iran at Paula Fregoso ng Mexico ang bronze medal.

Noong nakalipas na 30th edisyon ng biennial meet ay nagawang makamit ni Ninobla ang kampeonato sa pamamagitan ng gabuhok na kalamangan sa 4.833 points laban kay Thailand opponent Ornawee Srisahakit na may 4.832 pts.

Sa kabilang banda, naibulsa naman ng ama ni Jocel na si June Ninobla ang ikalawang ginto ng bansa sa Under 60 Male Individual category sa iskor na 7.280 upang higitan sina Garth Cooley ng US para sa silver medal at Jorn Andersen ng Denmark at Tim Steger ng US.

Isinipa naman ni dating World Poomsae Champion Ernesto Guzman Jr. ang ikatlong ginto ng koponan sa Under 40 male Individual division sa naitalang 7.685 puntos.

Mahigit sa 2,000 jins sa iba’t ibang panig ng mundo ang lumahok sa 7-day international online poomsae tournament.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page