top of page

China, kampeon ng FIDE online Nation’s Cup

  • Eddie M. Paez Jr.
  • May 11, 2020
  • 1 min read

Inangkin ng powerhouse China ang korona ng unang FIDE Chess.com Online Nations’ Cup sa gitna ng pananalasa ng COVID-19.

Inilampaso ng mga Intsik ang oposisyon sa double round robin na yugto ng kompetisyon para unang makapasok sa final round kahit na may dalawang rounds pa ang natitira. Bukod sa pagiging unang finalist, tabla na lang ang kailangang hugutin ng China mula sa magiging no. 2 qualifier at selyado na nito ang trono.

Nakuha naman ng USA ang karapatang makaharap sa finals ang China matapos maungusan ang Europe sa maigting na karera papasok sa finals.

Isang 2-2 na resulta naman sa finals ang nasaksihan ng mga sumusubaybay online kaya nakuha na nang tuluyan ng China ang korona sa bakbakang nilahukan din ng Russia, India at Rest of the World kung saan pinairal ang rapid chess na format (25 minuto + 10).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page