Closed door Korean Baseball umalagwa na
- Eddie M. Paez Jr.
- May 10, 2020
- 1 min read

Sinimulan na ang “closed-door” professional baseball season sa South Korea sa pamamagitan ng Korean Baseball Organization (KBO) League 2020 sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Sampung koponan ng ball players kasama ang kani-kanyang cheering squads ang pumagitna sa mga palaruan pero maliban sa kanila at sa mga sports officials, walang nang iba pa.
Ang mga manonood at tagasunod ng liga ay hindi pinayagang pumunta sa stadium at sa halip ay sa TV at social media sumusubaybay sa pinakamataas na antas ng baseball sa naturang bansa.
Nauna rito, napabalitang binubuhay na rin ang professional sports sa Taiwan.





Comments