Bakbakang Casimero-Inoue balak nang ituloy sa Hulyo 25
- Gerard Arce
- May 10, 2020
- 2 min read

Pinaplantsa na ang petsa ng naunsiyaming unification bantamweight title sa pagitan nina World Boxing Organization (WBO) titlist Johnriel Casimero at WBA/IBF champion Naoya Inoue sa Hulyo 25 sa Mandalay Bay Events Center sa Las Vegas, Nevada sa U.S. matapos maudlot ang nakatakdang laban nitong Abril dahil sa pagpapatigil lahat ng sporting event dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“We’ll get a clearer picture of the situation by next week,” saad ni MP Promotions president at international matchmaker Sean Gibbons mula sa philboxing.com. “But right now, we’re going with the target date of the last Saturday of July which is July 25. Without a fight date, it’s hard to sustain your intensity in training. It’s hard to focus. But now with a fight date, everyone’s excited and it’s back to serious Monster-hunting business,” dagdag nito.
Ibinunyag ni Gibbons na patuloy ang pagsasanay at paghahandang ginagawa ni Casimero na nanatili sa Las Vegas kasama ang trainer nitong si Nonoy Neri. Kumpiyansa umano ang American promoter na malaki ang tsansa ng 29-anyos na tubong Ormoc City na kayang talunin nito ang nabansagang “The Monster”.
“Casimero was on fire,” sambit ni Gibbons na pinapanood ang training ni Casimero na nagpapamalas ng malalakas na suntok sa punching bag. “He’s out to bring down the Monster.”
Ang Japanese slugger na si Inoue ay lalaban sa unang pagkakataon sa ilalim ng Top Rank promotions Inc. ni Bob Arum matapos itong pumirma ng multi-fight agreement, kasunod ng matagumpay na panalo nito laban kay “Filipino Flash” Nonito Donaire noong Nobyembre 7 para sa World Boxing Series bantamweight tournament sa isang 12-round unanimous decision. Inagaw naman ng nabansagang “Quadro Alas” ang kanyang titulo kay Zolani Tete ng South Africa sa ikatlong round noong Nobyembre 30, 2019 sa Birmingham, England para sa 118-lbs title.





Comments