top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ironman 70.3 World Championship plano sa Oktubre

  • A. Servinio
  • May 7, 2020
  • 1 min read

Matutuloy ba ngayong taon ang World Championship ng Ironman sa Kona, Hawaii sa Oktubre 10 at Ironman 70.3 sa Taupo, New Zealand sa Nobyembre 28? Kung ang tatanungin ay si Andrew Messick, ang Chief Executive Officer ng Ironman, hindi pa niya maibibigay ang sagot.

Sa isang online pulong balitaan, sinabi na Messick na kailangang mabuksan muli sa mga bisita ang mga pagdarausang lugar ilang linggo bago ang karera. Ang susunod na tanong ay kung magbibigay ang pamahalaan ng pahintulot na gawin ang karera.

Kamakailan ay inihayag ni Punong Ministro Jacinda Ardern ng New Zealand na tatagal pa bago buksan nilang muli ang kanilang bansa kaya alanganin na ang 70.3.

Samantala, kailangan ng Hawaii at Estados Unidos ng 14 araw na quarantine para sa mga bisita at walang katiyakan kung hanggang kailan ipatutupad ito.

Dahil dito, hindi maganda ang namumuong kaganapan. Maaring maglabas ng pahayag ang Ironman bago matapos ang buwang kasalukuyan.

Isa sa mga balak gawin ay ilipat ang Ironman Worlds mula Oktubre sa Pebrero, 2021. Ito ay para mabigyan ng pagkakataon na magdaos ng mga karera para sa qualifier upang maabot ang tinatayang 1,500 na kalahok – ang Ironman Philippines at Ironman 70.3 ay parehong nakatakda sa Oktubre 25, 2020 sa Subic Bay.

Marami sa mga karera na sana ay gaganapin sa unang tatlong buwan ng 2020 ay nailipat sa huling bahagi ng taon subalit walang konkretong katiyakan ang mga ito.

Kamakailan ay naglabas ng mga bagong patakaran ang World Triathlon kung saan magiging mas payak ang mga karera sa ilalim ng tinatawag na “New Normal”.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page