PWD, may “K” makatanggap ng discount sa mga internet café at iba pang recreational centers
- Persida Acosta
- May 5, 2020
- 1 min read
Dear Chief Acosta,
Ako ay person with disability (PWD) at madalas akong pumupunta sa internet café upang maglaro kasama ng aking mga kaibigan. Subalit, ayaw tanggapin ng mga internet café ang PWD ID ko sapagkat hindi raw kasama sa aming discount ang pagrerenta ng mga computer para sa paglalaro. Tama ba sila? – Lucias
Dear Lucias,
Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 5.5 ng Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act (R.A.) No. 9442 o mas kilala sa tawag na Magna Carta for Disabled Persons, and for other Purposes kung saan nakasaad na:
“Section 5. Definition of Terms. For Purposes of these Rules and Regulations, these terms are defined as follows:
x x x
5.5. Sport and Recreational Centers – xxx. Recreational facilities include but not limited to internet café, video games, and other similar amusement facilities;” (Binigyang-diin)
Sang-ayon dito, malinaw sa batas na ang mga internet café, video games at kaparehong pasilidad ay itinuturing na recreational centers at kasama sa mga establisimyentong dapat magbigay ng discount para sa ating mga PWDs.
Ibig sabihin, bilang isang PWD, kahit na kayo ay pumupunta sa mga internets cafes at nagrerenta ng mga computers upang maglaro lamang, dapat pa rin kayong makatanggap ng discount.
Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyon na ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyon na ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.





Comments