PBA sa Agosto ang pinal na pasya para sa tuloy na Season 45
- VA
- May 3, 2020
- 1 min read

Maghihintay ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) hanggang Agosto para tuluyang makapagdesisyon kung itutuloy pa ang Season 45.
Nagsagawa ng online na pagpupulong ang PBA board of governors noong Sabado ng gabi upang pag-usapan ang kanilang plano dahil na rin sa kinakaharap na sitwasyon ngayon ng bansa sanhi ng coronavirus (COVID-19) pandemic. “Maghihintay kami until August to decide whether it’s still a go or a season cancellation,” ani league commissioner Willie Marcial sa official website ng liga na PBA.ph. Nauna nang sinuspinde ng liga ang kanilang mga aktibidad noong Marso 11, isang araw matapos magbukas ang Season 45 kung saan nakapaglaro pa ang San Miguel at Magnolia. Dalawang beses ng nagpulong ang board mula noon at nauna nang napagkasunduan na gawin na lamang ulit na dalawang conferences ang liga upang mapaikli buhat sa dating tatlong conferences.
Ngunit dahil na-extend pa ang "enhanced community quarantine" hanggang Mayo 15 at sa panuntunan ng gobyerno na bawal ang anumang sports o mass gatherings kahit pa ibaba na sa general community quarantine ang ECQ, malabo pa ring makapaglaro ang PBA.
Maliban sa paghihintay hanggang Agosto, sinuspinde din ng PBA board ang anumang trades o transaksiyon upang magpapirma ng mga free agents.
“The only transaction allowed is re-signing players whose contracts have lapsed,” wika pa ni Marcial.





Comments