Mura na, ‘di pa mahirap bilhin... Duhat, epektib na pamalit sa mouthwash!
- Govinda Jeremaya
- Apr 26, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
In na in ang mouthwash ngayong may COVID-19, pero ang magandang balita ay noon pa man, ginagamit na ang duhat bilang mouthwash.
Hindi katagalan nang dumami ang may COVID-19, naiulat na si Sen. Migs Zuburi ay araw-araw na gumamit ng mouthwash na sinasabing isa sa mga dahilan kung bakit siya gumaling sa COVID-19.
Ang duhat tulad ng nasabi na sa itaas ay mula noon hanggang ngayon, ito ginagamit na ng mga herbularyo o albularyo sa iba’t ibang panig ng Asia bilang mabisang mouthwash.
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng katas sa bunga ng duhat at ito ay tinawag na “duhat mouthwash”.
Ang dahon ng duhat ay sinusnog at ang abo nito ay ipinapahid sa mga may sugat bibig, partikular sa gilagid at dila.
Gayundin, ipinapahid ang juice ng duhat sa mga may sakit sa balat tulad ng buni, anan at sa taghiyawat. Nakatutuwang isipin na ang maitim pero pinkish color na duhat ay nagbibigay pala ng flawless beauty.
Samantala, gamot din ang duhat sa balisawsaw o sakit kung saan ihi nang ihi ang isang tao.
Ngayong isa sa mga sintomas ng COVID-19 ang sore throat, kayang-kaya itong labanan ng duhat. Paano? Kailangan lang uminom ng isa hanggang dalawang baso ng maligamgam na katas ng duhat.
Kapag nasugatan naman at may dugo sa balat, ang Duhat ay maasahan. Pahiran lang ito ng katas ng duhat at hihinto na ang pagdurugo.
Gayundin, gamot ang pinakuluang balat ng duhat sa pagtatae.
Ngayong summer time ay panahon ng duhat kaya mabili ito sa murang halaga. Para mas sumarap ang duhat, ilagay ito sa pitsel, lagyan nga asin, alugin nang alugin at saka kainin.
Good luck!





Comments