True ba ‘yun, beshies? Strawberry, mas maraming Vitamin C kesa sa orange
- Govinda Jeremaya
- Apr 24, 2020
- 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya
“Let me take you down 'Cause I'm going to Strawberry fields Nothing is real And nothing to get hung about Strawberry fields forever!”
Ang nasa itaas ay mula sa awitin ng The Beatles na naglalarawan ng buhay ni John Lennon noong siya ay bata pa. Si John Lennon ay may hindi masayang childhood dahil hindi niya gaanong nakapiling ang kanyang ama kaya siya ay naghahanap ng fatherly love. Ito ay dahil laging wala sa bahay ang kanyang ama dahil pagtutok sa negosyo.
Ang kanya namang ina ay maagang namatay dahil nabundol ng rumaragasang kotse kaya bukod sa paghahanap ni John ng fatherly love, siya rin ay naghahanap ng motherly love.
Siya ay sinasabing inalagaan ng kanyang tiyahin pero malupit at magagalitin kaya lalong naging malungkot ang buhay ni John.
Ang Strawberry Fields ay bahay ampunan malapit lang sa bahay ni John at doon siya laging pumupunta dahil doon ay nakakasumpong siya ng ligaya sa kanyang pag-iisa.
Samantala, sa pagkain kaya ng strawberry, may ligaya ring malalasap? Ang sagot ay yes na yes! Ito ay dahil ang strawberry ay punumpuno ng nutrional benefits. Tingnan mo, mas maraming Vitamin C ang strawberry kaysa sa oranges.
Narito pa ang ilang nakamamanghang taglay ng strawberry:
Manganese
Folate (Vitamin B9)
Potassium
Iron
Copper
Magnesium
Phosphorus
Vitamins B6, K at E.
Ang isang serving ng strawberry o isang maliit na dakot ay mayroong:
Calories: 32
Water: 91%
Protein: .7g
Carbs: 7.7g
Sugar: 4.9g
Fiber: 2g
Fat: .3g
Carbs ay mababa rin
Ang mga nasa itaas ay base sa science of nutrient, pero may isang kalat na lihim ang mga taga-Bagiuo o Cordillera tungkol sa strawberry. Ang mag-asawa o magkarelasyon na hindi magkaanak, kapag sila ay sabay na nag-strawberry picking at sabay din silang kumain kung ang sila ay magsusubuan ng strawberry at kapag hindi sinasadyang sabay silang nagsubuan, malaking himala ang magaganap dahil sila ay magkakaanak.
Good luck!





Comments