Mabuting dulot ng pagpapatuli sa kalusugan ng kalalakihan
- Shane Ludovice
- Apr 24, 2020
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Napagdesisyunan naming ipatuli na ngayong bakasyon ang dalawang kong anak na teenager. Pero natatakot sila sa depukpok na paraan ng pagtutuli sa aming lugar. Hindi ko alam kung paano ipaliliwanag sa kanila ang kahalagahan ng pagpapatuli. – Zoraida
Sagot
Ayon sa mga eksperto, nakatutulong ang circumcision o tuli upang makaiwas sa ilang mga karamdaman at kabilang na rito ang cancer.

Posibleng magkaroon ng build-up ng smegma o dumi sa foreskin ng ari ng lalaki kapag hindi natulian.
Posible rin maging breeding ground sa bakterya ang foreskin ng lalaki kaya mahalagang matanggal ang balat na ito upang makaiwas sa iba’t ibang sakit.
Nakakatulong ang circumcision o tuli upang makaiwas sa mga sumusunod na sakit:
Penile cancer
Phimosis
UTI o urinary tract infection
Mas mababang panganib ng STD
Balanitis
Madaling mapanatiling malinis ang ari kapag tuli o at wala na ‘yung balat na nakatakip sa ulo nito
Importante na bago magpatuli ay kausapin ng mga magulang ang kanilang anak. Mahalagang ipaalam sa bata kung ano ang gagawing procedure, para saan at kung paano nila lilinisin ang kanilang ari matapos magpatuli.
Mas mainam kung magpatuli sa doktor o sa clinic, dahil mas malinis at safe ang ganitong paraan ng pagtuli kumpara sa “depukpok”.
Maaaring isagawa ito matapos ang enhanced community quarantine kaya stay at home and be safe po!




Comments