top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pinakuluang balat ng lanzones, epektib na gamot sa diarrhea

  • Govinda Jeremaya
  • Apr 22, 2020
  • 2 min read

Halamang Gamot atbp. ni: Govinda Jeremaya

“Tinimbang ngunit kulang,” ito ang kadalasang nararanasan sa pagbili ng lanzones sa bangketa, kaya mag-ingat sa pamimili nito.

Maraming iba’t ibang prutas ang itinitinda, pero sa lanzones lang mas madalas na maranasan ang kakulangan sa timbang at hindi lang ito dahil minsan ay kulang din sa sukli. Kaya naman doble-doble ang kita ng mga vendors sa pagtitinda ng lanzones. Gayunman, doble-doble rin ang benipisyo na makukuha sa pagkain ng lanzones. Narito ang health benefits:

  • Gamot sa diarrhea

  • Pampalakas ng immune system

  • Gamot sa lagnat

  • Gamot sa dysentery at malaria

  • Remedyo para sa ulcers at deworming

  • Pampaganda ng metabolism

  • Gamot sa scorpion stings

  • Regulates blood sugar levels

  • Pantanggal ng inflammation o pamamaga

  • Gamot sa bloating

  • Nakakabawas ng cholesterol levels

  • Nakatutulong sa pagpapababa ng timbang

Ang lanzones ay anti-viral din kaya ngayong may COVID-19, ang mga nag-aaral sa alternative medicine at herbalist ay nagsasagawa ng pag-aaral sa lanzones dahil ito ay kinikilala ring anti-viral fruit.

Bukod sa pagiging anti-viral, ito rin ay may antibacterial, antimicrobial at anti-inflammatory properties. Kumbaga, mayaman ang lanzones sa antioxidant na lumalaban sa mga free radicals na nakapapasok sa katawan.

Nakatutuwa ang lanzones dahil sa taglay nitong mataas na level ng Vitamins A, B, C, thiamine, niacin, fiber, riboflavin, pantothenic acid, iron, manganese, zinc, potassium, phosphorus, magnesium, copper at calcium.

Kaya kahit madaya ka pa ng mga vendors ay okey lang dahil tulad ng nasabi sa itaas, ang lanzones ay sobra sa sapat na katumbas ng naibulsa ng mga mandarayang tindero at tindera .

Dagdag-kaalaman: Ang pinatuyong balat ng lanzones ay inilagay sa botelya, itago at ilagay din sa medicine cabinet dahil kapag may nangailangan ng gamot sa miyembro ng pamilya at sarado ang mga botika – dahil kadalasan ay gabi nararanasan ang pagtatae—ang pinakuluan at pinatuyong balat ng lanzones ay puwedeng inumin.

Good luck!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page