Lovi, kumanta kung paano sila nakakaraos ng BF kahit magkalayo
- Vinia Vivar
- Apr 21, 2020
- 3 min read
Natauhan dahil sa COVID-19…
Hirit ni Bea: Pera at kasikatan, ‘di importante

Nag-viral agad ang naging pahayag ni Bea Alonzo sa Magandang Buhay tungkol sa mga taong tinatawagan ang ex ngayong lockdown.
Tinanong kasi ng host na si Melai Cantiveros kung kumusta na ang puso niya at kung naka-lockdown pa rin.
“Ah, ‘yung mga tao na tinatawagan po ‘yung mga ex nila kasi lockdown, huwag naman,” natatawang sabi ni Bea.
“Hindi pa naman ako umaabot du’n," dagdag pa ng aktres.
Sey pa ni Bea, “Busy naman ako ngayon, okay pa naman ako.”
Actually, busy talaga si Bea ngayon sa pagtulong sa mga kababayan natin sa gitna ng health crisis na dinaranas ng bansa.
Nag-launch siya ng charity drive na I Am Hope para sa mga COVID-19 frontliners.
Sa ngayon ay nakapag-donate na sila ng mga face shields at iba pang essentials sa mga hospitals.
Nag-donate na rin sila ng mga pagkain and relief goods para sa mga frontliners.
“In 2 weeks, ang mga natulungan na naming health workers ay mga 12 institutions na,” she said.
Aniya pa, “Kaya masayang-masaya kami, we really take pride sa advocacy ng I am Hope.”
Sa ngayon ay lumilikom sila ng pera para makabili ng mga bedsheets para sa mga pasyente ng COVID-19 sa hospitals at para na rin daw sa sleeping quarters ng mga frontliners.
When asked kung ano ang pinakamalaking realization niya sa nangyayari ngayong krisis sa bansa, ani Bea, “Na everything is temporary, na hindi importante talaga sa panahon ngayon ‘yung pera, ‘yung materyal na bagay, ‘yung fame.”
Ang mas mahalaga raw talaga ngayon ay humanity.
Aniya, “Ang nagma-matter talaga ngayon is how you care for humanity, and how you help each other out. It’s very vital.”
Bukod dito ay pinayuhan din niya ang mga tao na huwag nang magpaka-nega.
“There is no room for negativity. So kung wala kang magandang sasabihin, tumahimik ka na lang,” she said.
She also urged everyone na manatili sa bahay at ingatan ang sarili para huwag nang makadagdag pa sa problema.
“Wearing a mask, washing your hands and keeping healthy is already help in itself. So, kung feeling mo, wala kang means to help out, alam mo ‘yun, pangalagaan mo ‘yung sarili mong health para hindi ka na magdagdag ng problema. ‘Yun, malaking-malaking tulong na,” she said.
♥♥♥
Lovi, kumanta kung paano sila nakakaraos ng BF kahit magkalayo

Aminado man si Lovi Poe na hindi madali ang pagkakaroon ng isang long-distance relationship, nagbigay naman siya ng tips kung paano ito panatilihing masaya at healthy sa kabila ng distansiya.
“Communication is key. Kahit nga hindi long-distance relationship, it's important to communicate,” ang unang tip ng Owe My Love actress.
Pangalawa ay honesty, ikatlo ang trust, at pang-apat ang respect.
“Without respect, there is nothing. Parang siyempre, 'pag may respeto ka sa partner mo, the last thing that you want to do is to ruin that trust and to cut that communication,” pagbabahagi ni Lovi.
Ang huling tip ng aktres, “If you're in love and passionate about that person, I think it's gonna hold everything together kasi nga kapag ang long-distance (relationship), kapag hindi siya solid, it's a waste of time.”
Lovi is currently in a long-distance relationship with British movie producer and medical scientist na si Montgomery or Monty Blencowe. Nagsimula ang relasyon nila last September, 2019.





Comments