top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kumalat na mamimigay sina Marian at Maine ng P5 K, fake news!

  • Nitz Miralles
  • Apr 21, 2020
  • 4 min read

Nitz Miralles / Bida

Umaksiyon na si Rams David, ang manager nina Marian Rivera at Maine Mendoza at winarningan ang mga fans ng dalawang talents niya o kahit hindi fans na 'wag magpapaloko sa post na nagsasabing mamimigay daw ng pera sina Marian at Maine.

Ipinost ni Rams ang poser ni Marian na nakapangalan mismo sa aktres na mamimigay daw ng P5 K bilang tulong sa mga naapektuhan ng lockdown.

Hinihingi ng poser ang name, address, number at occupation ng mga binibiktima nito at pinapayuhang maghintay na lang daw ng message na may ipinadala nang pera sa kanila si Marian.

Ang isa pa ay may pangalan na Marian Rivera Dantes at P5 K din daw ang ibibigay sa lahat ng Kapuso viewers.

Nakarating ito kay Marian, ipinost niya saka nag-comment ng “Pawang kasinungalingan po ito! FAKE!!”

Sa kaso ni Maine, ginamit ang Eat… Bulaga!, pati si Atty. Felipe Gozon, na mamimigay daw ng P5K, P20K at P50K sa 1,000 na hinahanap nilang mabibigyan ng pera.

I-like lang daw ang EB! page at hiningi rin ang name, CP number, age, address at kung ano'ng gustong mode of payment ng target biktimahin.

Sabi ni Rams, “Mag-ingat sa mga ganitong FAKE account.”

Sey pa ni Rams sa post ng fake account ni Maine, “Isa pa itong MANDARAMBONG na ito, gumamit ng pangalan ng artista, Eat… Bulaga! at gumamit ng TV Network boss para makapanloko. Mahiya naman kayo!!! Mag-iingat sa mga fake promos at fake accounts.”

Speaking of Marian, chocolate crinkles ang bago niyang na-bake at masaya siya dahil naka-chamba siya dahil masarap ito. Ang ending, marami ang humihingi ng recipe sa kanya.

♥♥♥

Paolo, tinawag na bastos at walang silbi si Trillanes, out sa Twitter

Hindi na naman makita ang Twitter account ni Paolo Contis. Hindi namin alam kung nasuspinde ito o siya mismo ang nag-deactivate.

Naging controversial si Paolo dahil sa tweet niyang “Isa pa 'tong bastos at walang silbi na 'to, eh...” na ang tinutukoy ay si former Senator Sonny Trillanes dahil sa comment nitong: “Four trillion ang budget mo, tapos hahanapan mo ako ng ambag? Batukan kaya kita.”

Nag-trending si Paolo at marami ang kumampi sa kanya pero marami rin ang nagalit. May mga nag-unfollow sa kanya, may tumawag na laos at kung anu-ano pa. May nagbanta pang ibo-boycott ang Bubble Gang at manonood lang daw uli sila ‘pag umalis siya, pero marami rin ang natuwa sa tapang ni Paolo.

Kumampi kay Paolo ang mga supporters ni President Rodrigo Duterte at sila yata ang nagsimula sa #ProtectPaolo campaign.

Pero si Leah Navarro, hindi kilala si Paolo kaya nag-tweet siya ng “Sorry, who is Paolo Contis? Serious question,” at nakakatawa ang ibang sagot ng mga netizens sa kanya.

Kung saan-saan din napunta ang usapan at tuloy ang paghahanap kay Paolo.

Wala rin siyang bagong post sa Instagram (IG) at wala pang sumusugod sa IG account niya na supporters ni Trillanes.

♥♥♥

Lovi, ‘di nagsuot ng face mask nang magpunta sa Italy

Ang daming nag-react sa ipinost na old photo ni Lovi Poe noong nasa Italy siya dahil wala siyang suot na face mask pati ang cameramen na nagsu-shoot sa kanya.

Mabuti at may nagkomento na baka before COVID-19 ang photo na siyang tunay dahil matagal nang nasa Manila si Lovi at gustuhin man niyang lumipad at makapiling ang boyfriend na si Monty Blencowe ay hindi puwede.

Sa mga photos lang nilang dalawa na inilagay niya sa table kung saan siya nagbe-breakfast muna niya nakakapiling ang kanyang BF.

Miss na ni Lovi ang pag-arte at looking forward pa naman ito sa taping ng rom-com series na Owe My Love dahil puro komedyante ang mga kasama niya sa GMA Public Affairs produced show.

Balik-tambalan din nila ni Benjamin Alves ang series na naantala ang taping at airing dahil sa Covid-19.

♥♥♥

Angelica, ‘wa paki sa parinig ni Sen. Tito na nagyayabang lang, tuloy sa pamimigay ng food at pag-post sa socmed

Hindi titigil ang grupo nina Angelica Panganiban sa pagluluto at pagbibigay ng food sa mga frontliners at pagpo-post ng ginagawa nila sa social media kahit minsan nang nag-post si Senate President Tito Sotto na for ego purposes lang daw ang pagpapakain ng mga taong ipino-post pa sa social media ang kanilang pagtulong.

Sa last post ni Angelica, 450 meals ang naibigay nila sa Medical City at Cardinal Santos Medical Center. Nakapagpadala na rin sila ng meal sa Diliman Doctors Hospital, Philippine Heart Center at sa AFP.

Sa next wave ng pamimigay ng food nina Angelica, sa barangay na nahihirapang makakuha ng mga food supplies sila pupunta.

By now, nahanap na siguro nina Angelica ang barangay na dadalhan nila ng pagkain.

♥♥♥

Ilang Kapuso stars ang nagbigay ng PaGMAmahal para sa mga frontliners sa pamamagitan ng mensahe para sa mga itinuturing na bayani sa kinakaharap ngayon na COVID-19 via an inspirational video na mapapanood sa official social media pages ng GMA Network.

Kabilang dito sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Rhian Ramos, Pancho Magno, Sanya Lopez, Migo Adecer, Gabby Concepcion at marami pang iba.

Nagpahatid sila ng pasasalamat sa mga frontliners na araw-araw nalalagay sa pahamak ang buhay para sa kapakanan ng bansa at mga pasyente.

“Sa mga doctor, nurses, medical practitioners, sundalo, pulis, first responders, security personnel, maintenance crew, janitors, garbage collectors, bank employees, supermarket employees, drivers, delivery men, cooks, chefs, restaurant employees, farmers, factory workers, at lahat ng frontliners — kayo ang tunay na bayani,” ang pasasalamat ng mga Kapuso stars.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page