top of page

Dapat gawin para maprotektahan ang mga mata

  • Jersy Sanchez
  • Apr 21, 2020
  • 2 min read

Ang pagpoprotekta sa mga mata ay the best na paraan para ma-preserve ang ating paningin. Well, noong mga bata tayo, palagi tayong sinasabihan ni nanay na kumain ng mga gulay tulad ng carrots at kalabasa para mapanatiling malinaw ang ating mga mata, pero habang tumatanda tayo, dapat din itong sabayan ng pagbabago ng lifestyle.

Dahil d’yan, narito ang ilang paraan para protektahan ang ating mga mata:

1. BAWASAN ANG SCREEN TIME. Sa panahon ngayon, napakahirap nang umiwas sa smartphone, computer o laptop at iba pang devices dahil malaking parte na ito ng ating buhay. Madalas, kailangan ito sa trabaho o pag-aaral, gayundin, upang manatiling konektado sa ating mga mahal natin sa buhay. Well, dahil masama ito sa ating kalusugan, kailangan natin itong bawasan dahil ang paggamit nito sa mahabang oras ay maaaring magresulta ng “computer vision syndrome” o pagkakaroon ng eye strain, malabong paningin, pananakit ng ulo at dry eyes. Para maiwasan, gawin ang 20-20-20 rule o kada 20 minuto, kailangang ihinto ang pagtingin sa screen at maghanap ng ibang titingnan sa loob ng 20 segundo na may layong 20 feet.

2. ‘WAG HUMARAP SA AIRCON. Masarap talagang tumapat sa aricon, lalo na kung tag-init, pero may negatibo itong epekto sa mga mata. Sey ng experts, kinukuha ng dry air mula sa aircon ang natural moisture sa surface ng mga mata at para maiwasan ito, make sure na hindi kayo tatapat sa aircon.

3. GUMAMIT NG SUNGLASSES. Pumili ng sunglasses na kayang labanan ang 100% ng ultraviolet A at B rays ng araw na pangunahing sanhi ng problema sa mga mata. Gayunman, hindi n’yo kailangan ng mamahaling uri o kilalang brand ang gamitin n’yo dahil meron ding drugstore sunglasses na may parehong proteksiyon. Dagdag pa rito, make sure na isusuot n’yo ang inyong sunglasses kahit makulimlim dahil meron pa ring UV lights.

4. REGULAR NA MAGPA-CHECKUP. Akala natin, kapag malabo ang mga mata ay saka lang kailangang magpa-checkup, pero mga besh, kailangan natin itong gawin nang isang beses kada taon para sa comprehensive dilated eye exam. Ayon sa mga eksperto, hindi lang para sa mga mata ang test na ito dahil makatutulong din ito upang ma-detect ang chronic conditions tulad ng high blood pressure at diabetes.

5. ITIGIL ANG PANINIGARILYO. Ayon sa mga eksperto, ang tobacco ay toxic sa cells ng retina o ang manipis na layer ng tissue lining sa likod ng mga mata. Gayundin, tumataas ang tsansa na ma-develop ang macular degeneration na nagreresulta ng pagkabulag.

Hindi mo ba nagagawa ang ilan sa mga nabanggit? Kung oo, make sure babaguhin mo ang iyong bad habits nang sa gayun ay maprotektahan mo ang iyong mga mata. Share mo na rin ito sa iba.

Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page