top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Tips para masulit ang online shopping kahit may COVID-19 pandemic

  • Justine Daguno
  • Apr 16, 2020
  • 2 min read

Batid natin na sa kasalukuyang sitwasyon, hassle ang pumunta sa mga pamilihan dahil bukod sa nakakapagod ang napakahabang pila, madalas ay hindi nasusunod ang ilang polisiya kaugnay sa enhanced community quarantine, lalo na ang social distancing.

Kaya naman, upang makaiwas sa ganitong mga eksena at pagsunod na rin sa ‘stay at home’, tila mas oks ang mamili o mag-shopping online at narito ang ilang tips natin d’yan:

1. IHANDA ANG LISTAHAN. Siguraduhing nakalista ang lahat ng kailangan, hindi lamang ngayong araw, kundi hangga’t maaari ay pang-isang linggo. Mahalaga ito upang hindi malito sa mga produkto at walang makakalimutan. Mahalagang bagay lamang ang bibilhin dahil bukod sa kailangang magtipid, para hindi rin mahirapan sa delivery.

2. HABAAN ANG PASENSIYA. Hindi ibig sabihin na pag-click natin, eh, nand’yan agad ang mga ating mga pinamili. Isa pa, dahil maraming gumagamit ng internet ngayon, asahan din ang mabagal na koneksiyon kaya habaan lang ang pasensiya dahil ‘ika nga, ‘pag may tiyaga, may mapapala.

3. I-CHECK ANG IBA’T IBANG SERVICES NG STORE. Bago bumili online, make sure na itse-check muna ang mga serbisyong ino-offer nila. Alamin ang mga discounted products, vouchers, promos at iba pa. Ikumpara rin ang mga produkto sa iba’t ibang store upang makapili ng mas maayos at budget-friendly na produkto. Para hindi mahirapan, tingnan ang mga reviews o ikonsidera ang rekomendasyon ng mga kakilala.

4. BUMILI LAMANG SA LEHITIMONG ONLINE STORE. Maraming retail store ngayon ang nag-o-offer ng mga online services kaya mas okay kung ito na lang ang tatangkilikin natin. Hindi lahat ng nakikita online ay totoo, kahit krisis ngayon ay nagkalat pa rin ang mga abusado. Makabubuti kung bibili lamang sa mga legit store o ‘yung mga apps ng mga shopping company.

5. MAGBIGAY NG TIP SA DELIVERY. Masuwerte ang mga taong may pribilehiyo sa ganitong transaksiyon. Walang masama sa pagtulong sa kapwa kaya i-share rin natin ang blessing sa iba. Isa pa, pandagdag kita rin nila ‘yan lalo na sa panahon ngayon na habang tumatagal ay mas kailangan ng kabuhayan ng mga tao.

Bagama’t, hindi lahat ng kailangan natin ay mabibili online, malaking tulong pa rin ito lalo na kung iniiwasan talaga natin ang malaking posibilidad na ma-expose sa deadly virus.

Ngunit kung kinakailangan talagang lumabas, siguraduhing gagawin at susundin ang mga health protocols mula sa kinauukulan nang sa gayun ay maprotektahan ang sarili, gayundin upang manatiling ligtas ang ating pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page