Mga karagdagang pagsubok na hinaharap ng mga autistic children
- Lolet Abania
- Apr 16, 2020
- 2 min read

Sa nararanasang sitwasyon ng bansa, partikular sa lockdown dahil sa coronavirus, ang lahat ay apektado ng krisis. Karamihan pa rito ay nakatutok sa madidiskubreng gamot na panlaban sa virus, inaantabayanan kung ilan na ang gumaling sa sakit, hinihintay ang pagdating ng mga rasyong bigas at ayuda mula sa gobyerno. Subalit, kung nahihirapan tayo sa nangyayari ngayon, mas dobleng pakikibaka ang ginagawa ng mga may ASD o autism spectrum disorder.
Narito ang mga karanasan ng mga autistic children na kinakailangang matugunan agad:
1. UNMET BASIC NEED. Iba ang ginugustong pagkain ng mga may autism na kadalasan ay nasa kanilang routine lamang. Namimili kasi sila ng kakainin kaya marami sa kanila ang nagkukulang sa nutrisyong kailangan ng katawan at resulta pa nito ang paghina ng kanilang immune system. Subalit, dahil sa mga routine food na maaaring ibigay sa kanila na may nutrients naman, napapalitan ang kakulangan na ito at lumalakas ang kanilang pangangatawan.
2. DEVELOPMENT DELAY. Madaling mabagot ang mga autistic child. Naiinip sila kapag walang ginagawa, lalo na kapag nasanay na sila sa kanilang routine tulad ng pagpasok nila sa special school kung saan doon unti-unting nade-develop ang kanilang skills dahil may mga activity tulad ng drawing at arts. Subalit ang mabagal na development nila mentally, physically at socially ay lalong tumindi at nahinto pa dahil sa pagpapatupad ng lockdown.
3. LACK OF UNDERSTANDING. Mahirap sa kanila ang maintindihan ang mga bagay. Kailangan nila ng malalim na paliwanag na paulit-ulit na sasabihin para pumasok sa kanilang isipan. Nagbabase rin ang mga autistic child na maunawaan ang lahat sa kanilang routine. Mabilis din nilang maalaala ang mga pangyayari, maganda man ito o masama, lalo na kapag nag-sink-in na ito sa kanilang utak at gagawin nila ang akala nilang tama kahit pa makasama sa kanila.
Hindi madali ang pagkakaroon ng autism spectrum disorder (ASD) sa isang pamilya dahil kailangan ng mga ito ng mas malawak na pang-unawa. Kailangan nila ng proteksiyon at maging maunawain hindi lang sa mahihirap kundi pati na rin sa mga autistic children.
Gayundin, para maibsan ang nararanasan ng mga magulang at matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak tulad ng therapy, consultations at medicines, bumuo ng online at Facebook groups na makatutulong para sa mga batang may autism, mga magulang, gamot at konsultasyon mula sa mga doktor ng Autism Society Philippines tulad ni Dr. Tippy Tanchanco, ng MedMom Institute of Human Development at ng Ateneo de Manila University College of Medicine and Public
Health.
Good luck!








Comments