Worried kung impeksiyon ang dahilan ng pagdurugo at paghapdi ng ari
- Shane Ludovice
- Apr 15, 2020
- 1 min read

Dear Doc. Shane,
Ako ay may partner na lesbian at maraming beses nang may nangyari sa amin, ngunit isang beses ay nag-bleeding ako. Sa tingin ay napunit o nasira ang aking hymen kaya nag-shower ako agad. Meron akong naramdamang kaunting hapdi (5 out of 10) habang naliligo at umiihi pero nawala rin ito kinabukasan.
Last week ng January, naulit ang pagdugo pero kaunti lamang ito kumpara noong unang beses. Tapos, naulit na naman noong March, pero kaunti rin ang dugo pero medyo mahapdi. Normal ba na mayroong dugo na lumalabas sa aking ari kahit wala naman akong period? – Car
Sagot
Sa iyo Car, maraming posibleng explanation sa hapdi na nararamdaman mo sa tuwing naliligo o iihi ka lalo na matapos ninyong magtalik ng iyong partner. Kasama rito ang friction sa paglabas-masok ng daliri sa ari dahil sa pagkatuyot o kakulangan ng lubrication kaya nai-irritate ang vaginal tissues na siyang dahilan ng discomfort at paghapdi. Makatutulong ang paggamit ng water based lubricants.
Posible rin kasing makataas ng risk ng pagkakaroon ng infection ang vaginal irritation.
Sa sinasabi mo na paminsan-minsang pagdurugo galing sa iyong ari, mainam na ipa-check ito sa OB-Gyne, para maeksamin at mabigyan ng tiyak na solusyon.





Comments