top of page

Paraan upang magamot ang pigsa sa bahay, alamin!

  • Shane Ludovice
  • Apr 14, 2020
  • 1 min read

Dear Doc. Shane,

Totoo ba na delikadong tirisin ang pigsa dahil mas kakalat ito? Ano ba ang dapat gawin upang hindi ito magpabalik-balik? - Lita

Sagot

Ang pigsa ay impeksyon sa balat na nag-uumpisa sa ugat ng buhok o balahibo (hair follicle).

Mikrobyo o germs ay karaniwang sanhi ng pigsa. Ang karaniwang mikrobyo ay nagmumula sa pamilya ng mga bakterya na tinatawag na staphylococcus. Ito ay maaaring sumuot sa mga maliit na butas sa ating balat dulot ng sugat.

May mga sakit o kondisyon ring nagpapataas ng probabilidad na magkaroon ng pigsa. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Diabetes

  • Malnutrition o kakulangan sa pagkain

  • Poor hygiene o pagiging madumihin

  • Pagiging mahina ng immune system

Paano gamutin ang pigsa sa bahay?

Gumamit ng “warm compress” o mainit na tubig na nakabalot sa tela at ipatong ito sa bahagi ng katawan na may pigsa. Makatutulong ito sa pag-impis ng kirot at sa pagpapalabas ng nana. Gawin ito araw-araw hanggang sa mawala ang pigsa.

Iwasang paputukin ang pigsa gamit ang karayom sapagkat ito ay maaari lamang magpalala ng pigsa, bagkus ay hayaan itong pumutok ng kusa.

Kapag pumutok na ito, hugasan gamit ang sabon at tubig hanggang mawala ang nana. Tapos, maaaring mag-apply ng antibacterial ointment tulad ng Terramycin, tapos tapalan ng bandage o band-aid ang sugat. Ulitin ito ng dalawang beses bawat araw hanggang mawala ang pigsa.

Gaano katagal bago gumaling ang pigsa?

Kung naumpisahan ang wastong paggagamot, sa loob ng dalawa o tatlong araw ang magsisimula nang makaranas ng pagbabago at paggaling ng pigsa. Kapag lalong lumalala o hindi gumagaling ang pigsa, magpatingin na sa doktor upang ma-examine ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page