US Tennis Open venue, ospital na para sa mga pasyente ng COVID-19
- Eddie M. Paez, Jr.
- Apr 12, 2020
- 1 min read

Hindi pa binabago ang petsa para sa pagdaraos ng makasaysayang U.S.Open Tennis Tournament pero ang lugar kung saan nasaksihan ang hindi na malilimutang mga bakbakan sa tennis court ay isa nang makeshift na ospital at ngayon ay naging tahanan na para sa mga pasyente ng New York na kinapitan ng COVID-19.
Halos 500 kama ang inilagay sa Billy Jean King Tennis Center sa nabanggit na state na sa kasalukuyan ay itinuturing na pinakagrabe sa mga inatake ng virus sa buong US. Dalawampu sa mga kamang ito ay magsisilbing Intensive Care Units.
Ang lugar ay naging punong-abala rin para sa pagsasaayos ng may 1.2 milyong meals sa nakaraang siyam na araw.
Nakatakda sanang ganapin simula Agosto 31 hanggang Setyembre 13 ang 2020 edisyon ng torneo sa iconic na palaruan ngunit marami ang nagsasabing hindi na ito matutuloy.





Comments