top of page

‘Di lang ginagamit tuwing Ash Wednesday... Palaspas, epektib na gamot sa cancer

  • Ronalyn Seminiano Reonico
  • Apr 5, 2020
  • 2 min read

Ngayon ang Linggo ng Palaspas o Palm Sunday, ang simula ng Holy Week o Mahal na Araw kung saan ginugunita ang matagumpay na pagpunta ni Kristo sa Jerusalem, ilang araw bago siya ipako sa krus.

  • Bakit ito tinawag na Palm Sunday?

Ayon sa Biblia, sinalubong ng mga tao sa Jerusalem si Hesus nang may hawak na dahon ng oliba habang nakasakay siya sa donkey.

Kung susuriing mabuti, kahanga-hanga ang mga bagay at mapapatanong ka na lang minsan kung coincidence lang ba o sadyang nakatakdang maganap ang lahat? Ang dahon ng oliba ay sumisimbolo sa kapayapaan at tagumpay at nu’ng panahon na ‘yun, puwede namang gumamit ng kabayo si Hesus, pero mas pinili niyang sumakay sa donkey na sumisimbolo rin sa kapayapaan imbes na digmaan.

  • Ano ang ginagawa sa palapas tuwing Palm Sunday?

Tuwing Palm Sunday, marami ang pumupunta sa Simbahan para magpabasbas ng palaspas na inilalagay kadalasan sa mga bintana at pintuan ng bahay dahil sa paniniwalang nakapagtataboy ito ng mga “evil spirits” at negativities sa buong taon at kahit matuyo ang dahon nito ay hindi ito itinatapon dahil ang abo nito ang ginagamit tuwing Ash Wednesday.

Ngayong knows na natin ang maikling history ng Linggo ng Palaspas, alam n’yo rin ba na may health benefits din ang ginagamit nating dahon ng oliba sa paggunita ng Mahal na Araw?

Ang oliba ay may scientific name na Cycas revoluta at kilala rin sa tawag na sago palm, oliva, king sago palm at tie shu. Sa tulong ng siyensiya at iba’t ibang laboratory tests at eksperimentasyon, napag-alamang nakagagamot ito ng iba’t ibang uri ng sakit tulad ng:

1. Estrogen-dependent tumors. Ayon sa pananaliksik nina Kowalska MT at Itzhak Y, Puett D. ng Department of Biochemistry and Molecular Biology, University of Miami School of Medicine ng USA, gumamit sila ng katas ng cycads kung saan natuklasan nilang maaari itong makagamot ng estrogen-dependent tumors.

2. E.coli. Ayon sa mga mananaliksik ng Leaves of Cycas Revoluta: Potent Antimicrobial and Antioxidant Agent, ang katas ng dahon ng Cycas revoluta ay mayroong antimicrobial at antioxidant properties na mabisang panlaban sa E.coli at Klebsiella pneumoniae.

Sa isinagawa ring eksperimentasyon ng mga eksperto sa China University of Technology, natuklasan nilang ang antimicrobial activity ng methanol, ethanol at ethyl acetate extracts ng Cycas revoluta ay nakatutulong din para malabanan ang mga bakterya na nabubuhay sa respiratory at gastrointestinal tract katulad ng Staphylococcus aureus, Bacillus subtilis, Pseudomonas aeruginosa at Salmonella typhimurium.

3. Cancer. Nagsagawa rin ng eksperimentasyon ang mga eksperto ng Department of Internal Medicine, University of Texas Medical Branch, Galveston, Texas, USA, gamit ang buto ng Cycas revoluta, natuklasan nilang mabisa rin itong panlaban sa epidermoid cancer at colon carcinoma cells.

May mga eksperto ring nakatuklas na maaari rin itong makagamot ng high blood pressure, headaches, congestion, rheumatism, bone pain, at hepatoma.

Ngunit isang paalala mga ka-BULGAR, nakagagamot man ang oliba ay nakalalason din ito, lalo na kung walang gabay ng eksperto ang paggamit nito bilang gamot. Maaari itong magdulot ng gastrointestinal irritation, pagsusuka, diarrhea, seizures, hepatoxicity, jaundice, cirrhosis, ascites at liver failure at pagkaparalisa. Gets mo?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page