top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ninoy Aquino Stadium inaayos na para sa COVID-19 patients

  • VA
  • Apr 4, 2020
  • 1 min read

Sinimulan na ang pag-aayos ng Ninoy Aquino Stadium sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex sa Manila para maging pansamantalang tutuluyan ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus upang maiwasan ang pagsisiksikan sa mga ospital.

Nauna nang inialok ng Philippine Sports Commission na siyang namamahala sa mga government owned sports facilities sa Manila at sa Philsports Complex sa Pasig City na gamitin ang mga ito ng mga pasyente na may COVID-19 na patuloy na dumarami ang bilang kung kaya hindi na ma-admit sa ilang mga ospital.

May kabuuang 112 bed units ang inilalagay sa stadium at inaasahang maaari na itong magamit na agad sa susunod na linggo.

Bago inumpisahan ang paglalagay ng mga kinakailangan para sa magiging hospital extension, nagsagawa ng inspeksiyon sa venue sina Philippines Sports Commission national training director and commissioner Marc Velasco kasama ng ilang mga taga-Manila City Hall at mga barangay officials na nakakasakop sa lugar.

Ito'y upang tiyakin na ligtas ang mga gagamit ng pasilidad sampu ng komunidad na nakapaligid dito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page