3rd Asian Games tuloy sa Nobyembre
- A. Servinio
- Apr 3, 2020
- 1 min read

Tiniyak ng Olympic Council of Asia (OCA) na tuloy ang ikatlong edisyon ng Asian Youth Games sa Nobyembre 20 hanggang 28 sa Shantou, Tsina. Ito ay sa kabila ng kasalukuyang suliranin ng Corona Virus na nagsimula sa nasabing bansa.
Magtatagisan ng lakas ang mga kabataang atleta sa larangan ng Athletics, Aquatics, Badminton, 3X3 Basketball, Football, Golf, Handball, Rugby, Table Tennis, Taekwondo at Wushu. Unang gaganapin ang mga disiplina ng Dragon Boat, Gymnastics, Hip Hop o Breakdancing, Rock Climbing, Surfing at Windsurfing habang magbabalik ang Beach Volleyball.
“The OCA while maintaining a very strict isolation policy is still continuing its activity and liaising with the various Asian Games Organizing Committee to ensure that the preparations of the Games are not hindered,” ayon sa sulat na pinadala ni OCA Director General Husain Al Musallam.
Sa huling AYG noong 2013 sa Nanjing, Tsina, nagwagi ng dalawang ginto ang Pilipinas salamat kay Mia Legaspi sa Golf at Pauline Lopez sa Taekwondo. Nakuha naman nina Jurence Mendoza ng Tennis, Princess Superal ng Golf at Francis Agojo ng Taekwondo ang pilak sa kanilang mga disiplina.
Tinatag ang AYG noong 2009 sa Singapore. Nag-uwi ng pilak si Stephanie Cimatu sa Girl’s Javelin Throw at tanso si Collins Jose sa Boy’s Bowling Masters.
Noong 2017, pinasa ng Sri Lanka ang pagiging punong abala sa Indonesia. Nagpasya ang OCA na huwag na lang ituloy ang palaro.





Comments